‘The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.’ Na naman. Hindi ko alam kung alin sa dalawa ang totoo. Unattended ba or sadyang out of coverage area. Or both. Napahugot na lang ako ng malalim na hininga at ibinaba ang cellphone ko sa bedside table at muling nahiga nang patagilid. Napatitig na lang ako sa mabining pagsayaw ng door curtain sa hangin habang lumilipad ang isip ko kung saan. Magdadalawang buwan nang ganoon palagi ang naririnig ko sa tuwing tinatawagan ko ang numero ni Oliver. No matter what time ako tumawag—umaga, tanghali, gabi, madaling-araw. I even tried calling every hour one day pero nananatili akong bigo. Naikuwento ko ito minsan kay Rachel, na hindi ko ma-contact si Oliver. Biniro niya akong nakalimutan na sigur

