“Uy, okay ka lang?” Napaigtad ako sa mahinang siko ni Rachel sa akin. Nang lingunin ko siya, may bitbit na siyang isang tray ng mga pagkain na maingat niyang inilapag sa mesang napili ko. “Rach!” Hindi ko na siya nasagot dahil sa tiling iyon. Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng naturang boses at nakita namin si Trisha na kumakaway from across the street. We are on the second floor terrace of the restaurant na pinili ni Rachel at nakaharap iyon sa main street. Kaya mula rito, malinaw naming nakikita si Trisha na mukhang kalalabas lang yata mula sa isa sa mga wood carving shops this small town is known for. We saw her take out her phone and called someone. Maya-maya, tumunog na ang cellphone ni Rachel. “Manananghalian na kayo?” umalingawngaw ang boses ni Trisha. Rachel turned th

