Sa wakas ay nakatapos din ako ng isa pa. Ibinaba ko na ang Pencil at tinitigan ang katatapos kong sketch. Ni-layer ko ito sa naka-save na larawan ng isang parte ng Isla de Arena Blanca. I moved the sketch around trying to find the perfect angle pero nairita lang ako. Kahit saan kasing anggulo tingnan, this French Riviera villa I designed looks ugly against the white sand. I sighed and swiped the sketch off the picture and opened a new pad. Magsisimula na naman sana akong muli nang may kumalampag mula sa kabilang kuwarto. Natigilan ako. Nang maulit pa iyon, nahihintakutan na akong napatingin sa pader na nakapagitan sa kuwarto namin ni Oliver. Hindi kaya’t— “Sonofabitch!” Umalingawngaw ang malutong na mura ng housemate ko mula sa kabila. Muffled masculine voices muttering their own curse

