Napaangat ako ng tingin mula sa bread toaster na binabantayan ko when I heard the front door open and close. Maya-maya nga ay papalapit na ang housemate ko sa akin. He is wearing a different T-shirt from the one na suot niya kaninang madaling araw. “Good morning,” nakangiti niyang bati sa akin. Dumukwang pa siya para gawaran ako ng mabining halik sa noo. Lola ang peg. Ganoon ako sa lola ko. “Hi,” matipid ko ring bati habang nakatingin pa rin sa toaster. Nang maramdaman kong nakadungaw pa rin siya sa akin ay tinapunan ko siya ng nagtatakang tingin. He tapped a finger on his cheek when he caught my eyes. Sinimangutan ko siya but he just tapped his cheek again. Napipilitan, I pecked a kiss on the cheek he kept on tapping. Ang lapad ng ngiti niya nang maupo sa stool na katapat ng sa akin a

