“You’re really here. I thought you were just part of my drunken hallucinations last night.” Rachel slowly approached, still groggy from sleep and hangover. “Good morning,” masigla ko namang bati, raising my cup of coffee to her with a smile. Kumportable akong nakaupo sa isa sa mga stool malapit sa coffee machine niya. “Pinakialaman ko na ang coffee machine mo.” Tumango-tango lang siya bago dumiretso sa cupboard na kinalalagyan ng kanyang mga mug. Doon din ako kumuha ng tasang iniinuman ko ngayon. Hindi niya pa yata nare-recover ang mga motor skills niya mula sa ilang gallon ng alak na ininom kagabi. Kahit isang baso ay wala kasi siyang nakuha. “Maupo ka na nga rito at ako na riyan,” natatawa kong wika saka tumayo. Agad naman siyang tumalima and successfully seated herself on one of

