EPISODE 3

2440 Words
Nakauwi na ng bahay sila Keyn. Pagkagaling hospital ay dumiretso si Keyn sa kuwarto niya at nagkulong para pa rin siyang nanghihina at nararamdaman niya pa rin ang sakit dulot ng hindi nila pagkakaunawaan ni Rio. Palilipasin ko lang ng ilang araw at babalikan ko si Rio susubukan ko ulet magpaliwanag baka mapatawad niya ako, sabi ni Keyn sa sarili. “tok..tok…tok…” mahihinang katok ang narinig niya at naputol ang kanyang malalim na pag iisip at napatingin sa pintuan “Yes “ sagot niya at dahan dahang bumuka ang pinto at niluwal ang kanya kaibigan at kababatang si Celine. “ frenny ok ka lang ba? Sabi ni Celine at lumapit sa kanyang kama at niyakap siya ng mahigpit. Naiiyak eto sa sinapit niya at nararamdaman niya ang sakit na pinagdaraanan ng kaibigan. “ Ok lang ako Frenny sabi ni Keyn at tuluyan na siyang umiyak. Bakit ganun frenny? Bakit di niya pinakinggan ang paliwanag ko? Anong dapat kong gawin para mapatawad niya ako? Hindi ko kayang mawala siya Celine.., Mahal na mahal ko Rio sabi ni Keyn na nakatitig sa luhaang mata na rin ni Celine. Alam at saksi si Celine sa relasyon nila Rio at Keyn, alam din ni Celine na inilihim neto ang pagkatao niya kay Rio, nung una pinipilit niya si Keyn na sabihin ang totoo dahil nakikita naman niya talaga kung gaano kamahal ni Rio ang kaibigan. Kung hindi nga lang sa lihim na pagkatao ni Keyn masasabi mong perfect ang relasyon ng dalawa. In fairness din naman ke Keyn, ginawa nito ang lahat para maging maayos ang relasyon nilang dalawa kesehodang ibaba niya ang sariling pagkatao para lang maipakita ke Rio kung gaano niya eto kamahal, kaya nasasaktan din siya para sa dalawa. “Frenny palipasin mo muna, kase sa ngayon sarado ang isip ni Rio at hindi pa niya papakinggan ang paliwanag mo, maghintay ka ng tamang panahon at mauunawaan din niya ang dahilan kung bakit mo inilihim na isa kang mayaman at tagapagmana. Mabait si Rio, alam ko na maiintindihan ka niya isang araw. Pagpapalubag loob na sabi ni Celine kay Keyn. “ Yun nga din ang naisip ko, siguro kelangan ko munang kalimutan ang sakit kelangan kong magpakatatag para pag dumating yung oras na kelangan na naming mag usap may lakas na ako para magpaliwanag sa kanya. Ilang Buwan ang mabilis na lumipas, nararamdaman ni Celine ang sakit  pero pinagbawalang bahala na niya lang at pinilit niyang maging abala sa pag aaral. Napagpasyahan ni keyn na puntahan si Rio sa bahay neto siguro naman ay hindi na eto ganung ka galit at papakinggan na siguro neto kung magpapaliwanag siya.   Excited na nagbihis si Keyn at naghanda sa pag alis, hindi niya palalagpasin ang araw na eto ng hindi sila nag kakaayos. Pag baba ng hagdan nakita niya ang kanyang ama, Princess where are you going? Tanong ng kangyang ama na nag aalala Papa! I’m going to Rio, kelangan kong magpaliwanag sa kanya Papa… sabi ni keyn ng may pagsusumamo “Ok Fine Baby” but bring your body guard and don’t use your car, Use your Mom 's car instead sabi ng nag aalalang ama ni Keyn. Nasa tapat na ng bahay ni Rio si Keyn pero di niya magawang igalaw ang kanyang mga paa, hindi pa rin maalis sa dibdib niya yung namumuong takot at pangamba. “haaaaay Keyn, andito ka na, ngayon ka pa ba matatakot wheeeeewwwww bahala na!!!…. Bulong ni Keyn sa Sarili, dahan dahan niyang binuksan ang pintuan ng sasakyan at ganun na lang ang pagkabigla niya ng makitang palabas ng bahay si Rio kasama ang isang Babae na kilalang kilala niya dahil eto yung isang classmate nito na alam niyang malaki ang pagkakagusto ke Rio. Masaya at magkahawak sila ng kamay habang palabas ng bahay at masuyo pang hinalikan ng babae ang mga labi ni Rio. “Ahhhhh” ang sakit sigaw ni Keyn sa isip niya. Ganun lang kadali kay Rio? Ilang Buwan lang ang lumipas may kapalit na siya? Kalimot limot agad siya? Ganun ba eto kasuklam sa mayaman para mabalewala yung kanilang pinagsamahan?ang dami at ibat ibang tanong ang nasa isip ni Keyn ng mga oras na iyon at parang sobrang manhid na ng pakiramdam niya kaya dahan dahan na siyang bumalik sa sasakyan niya para umalis., “Keyn” tawag ni Rio, nakita na pala siya ni Rio, pero ng mga oras na yun ay hindi na niya gustong pakingan ang paliwanag neto at walang lingon lingon na umalis sa lugar nila Rio.   “Hoooyyyy Frenny Bakit natulala ka na jan???? para kang natuklaw ng ahas? Tatawa tawang sabi ni Celine kay Keyn. Napabalikwas si Keyn sa pag tawag ni Celine at hinila eto pabalik sa Sala, gusto niya lang kamustahin si Rio, It’s been 2 years already naka move na siya? Naka move on na nga ba? Tano ni Keyn sa Sarili. How is he Celine? Tinanong ba niya ako? May asawa na ba siya?Masaya na ba siya? Sunod sunod kong tanong kay Celine. “Heller!!! frenny isa isa lang mahina ang kalaban….hahahha natatawang sabi ni Celine. Namula ang pisngi ni Keyn para kaseng napahiya sa sunod sunod niyang tanong ., Inirapan na lang niya ang kaibigan. Mukhang Ok naman siya, lalo siyang gumuwapo frenny!!! And kinakamusta ka niya, hiningi rin niya ang number mo…Pero di ko binigay, kase ayaw ko naman pangunahan ka ,. Hindi rin naman kami nakapag usap ng matagal kse parang nagmamadali siya. Derederestong paliwang ni Celine ke Keyn. “ Ganun ba??? Nalulungkot na sagot ni Keyn.   “Emmanuel, you are old enough to play… hindi ka pa ba nagsasawa? Kelan mo balak mag asawa? Tumatanda na ako, hindi ko man lang ata masisilayan ang aking apo sa nag iisang anak ko? Sabi  Armando Santander na ama ni Noel habang sama sama silang naghahapunan., Linggo kase at nakaugalian ng Pamilya Santander na magkakasama tuwing lingo at kahit gaano ka pa ka busy kailangan wala kang Schedule pag Sunday or else Mawawalan ka ng pamilya ng wala sa oras. Let him be Arman,! Hindi pa niyan nakakaharap ang babaeng makakatapat niya. Believe me pag nakatagpo niya yun ewan ko lang kung hindi tumino yan sabi naman ni Romualdo Santander dating pangulo at Lolo ni Noel. Ha!! Ha!! Ha!! Kayo talagang dalawa ako na naman ang nakita ninyo? natatawang sabi ni Noel Eto ngang mga pinsan ko eh wala pang mga asawa pero bakit ako ang gustong gusto ninyong mag asawa? Sabay tingin sa mga pinsan niya na ngingiti ngiti. Hey Couz ikaw lang kase ang tipikal na Playboy sa angkan natin at walang balak mag settledown kaya nababahala si Tito Arman, baka mag stop ang lahi niya pag di ka pa nagkaasawa sabi ni Marielle na isa sa mga pinsan niya. OO nga! Sabay sabay naman sagot ni Clark,Simone and Nikko. Tatawa tawa silang nakatingin kay Noel. Alam niyo kayo, para kayong hindi mga Playboy kung magsalita eh? Wag kayo at kilala ko rin lang kayo…natatawang sabi ni Noel at Kung lahi ang pag uusapan kaya ko naman ikalat ang lahi natin Daddy! napakadali hahahaha… pero di ko gagawin magpalahi sa hindi ko mahal. (Bigla pumasok sa isip niya yung babaeng kahalikan niya nung isang lingo.) Gusto ko ang Ina ng magiging mga anak ko ay yung babae na makakasama ko hanggang pagtanda ko, kagaya ni Mommy maalalahanin, maalaga, maganda at higit sa lahat mapagmahal sabay kindat ni Noel sa Ina. Tigilan mo ako Emmanuel, hayan ka na naman sa ganyang mga kwento., APO ang gusto ko, sawa na akong alagaan ang Daddy mo. Gusto ko ng maliliit na bata dito sa bahay natin… Wala na akong mapaglibangan dito.. Umiismid na sabi ni Samantha na ina ni Noel. Parang di nman ganyan ang sinabi mo kanina Samantha? Parang baby mo pa nga ako kanina eh, sinuotan mo pa nga ako ng short diba? Sabi ng natatawang ama ni Noel. “Pervert “ sigaw ng Ina ni Noel at hinampas sa braso ang kanyang asawa. Napuno ng malulutong na tawanan ang hapag kainan ng Pamilya Santander. Biglang nag ring ang telepono si Noel, at agad na sinagot ng makita nito na si Angeline ang nasa kabilang linya. Noel, CAM shipping lines keep calling me, Even though we rejected their proposal already they keep calling and calling me, it’s annoying…. Ok Relax sweetheart, schedule a meeting and ako na mismo ang kakausap sa kanila and personally ire reject ko ang proposal nila. By the way can I see you tonight? No! Noel, I’m with him at binaba na ni Angeline ang telepono. Maagang umalis si Keyn sa opisina nila kase nagpasiyahan niyang siya mismo ang pupunta sa ABD production kung saan nagtatrabaho si Noel Santander, siya ang personal na makipag usap dito, para matapos na at makahakbang na sila kung anong pwedeng gawin kung sakaling tanggihan ulet sila. Kahit medyo iritado dahil feeling niya masyadong pa VIP ang Noel na eto pinakalma pa rin niya ang sarili. Pagdating niya sa Lobby maraming mga tao, hindi niya alam kung bakit kaya pag dating niya sa reception nagtanong siya kung anong meron? Ay! Ms. Mga fans po ni Noel Santander yan, balita po kase na darating daw siya dito sa Studio, kinikilig na sabi ng receptionist.. Lalo namang na curious si Keyn sa hitsura ng Noel Santander. Anyway, Ms. I have appointment with Ms. Angeline Pascual, sabi niyang pataray sa receptionist, bigla kase siyang nainis, para kase silang mga hibang na hibang habang tila ay nagdeday dream. Ma’am 10th floor po, sabay abot ng Visitor’s pass sa kanya para makapasok siya sa Elevator. Nangingiti na lang si Keyn na umakyat patungo sa 10th floor, nagmamadali na rin siya para matapos na tong meeting na to at ng makaalis na siya, para din kase siyang kinakabahan na hindi niya maintindihan. Pagdating niya sa 10th floor panibagong receptionist naman ulet ang sumalubong sa kanya at dinala siya sa Isang Private meeting room., Habang nasa loob pinagmasdan niya ang loob ng opisina, In fairness maganda at malaki ang meeting room nila, mula sa malawak at makintab na mesa at napapalibutan ng 24 na swivel chair na kulay black., ang wall nito ay pinaghalong cream and white na nagbigay ng liwang sa buong silid. Pero maliit ang room na ito kung ikukumpara sa opisina niya sa CAM Shipping lines. (Clarisse Anabelle Montabella ang meaning ng CAM which is her great grandmother name na kalaunan ay kinatuwa ng ama niya kse initial na rin ng Pangalan niya.) Napabalikwas siya ng upo ng marinig niyang may pumasok, eto yung receptionist kanina, Ma’am do you want anything? Coffee or tea? Tanong neto sa kanya Just warm water Ms. sagot niKeyn , Oh by the way is Ms.Angeline Around? Do you think mga anong oras kami makakapagsimula ng meeting, tila naiinip niyang tanong sa babae. Ms. Angeline is on the way ma’am darating din po si Sir Noel, parang kinilig na sagot ng babae. At umalis na para kumuha ng tubig. at, agad naman etong bumalik para dalhan siya ng warm water Lumipas ang isang oras pero wala pa ring Angeline na dumarating kaya napag pasyahan na niyang umalis na sana ng biglang bumukas ang pintuan,. Parang slow motion na lumalakad sa harapan niya ang isang mala Adonis na lalake na may matamlam na mata na parang iiyak, matatangos na ilong at napakaganda at mapupulang mga labi. Para siyang pinaghalong Ian Somerhalder and Tom Cruise. Nakaka bato balani ang kanyang kagwapuhan at makalaglag panty ang kanyang mga titig. Panandaliang nawala sa sariling katinuan si Keyn habang titig na titig sa papalapit na binata kaya hindi niya namalayan na nasa harapan na pala niya eto. “Excuse me??? Your drooling!” nangingiting sabi ni Noel. Parang kilala kita Ms. Turan nito. Napatingin si Keyn at nanlaki ang mata niya “ IKAW??? Anong ginagawa mo dito pasigaw na sabi ni Keyn na kinakabahan, parang nangilabot ang buong katawan niya pagkakita sa binata “See youre a staker… diba tama ako plano mo talaga yung pang bangga sa sasakyan ko, tapos ngayon andito ka, sinusundan mo talaga ako ano? Nangingiting sabi ni Noel. “Excuse me hindi ikaw ang pinunta ko dito,. Im looking for Noel Santander and not you….. akmang lalabas na si Keyn ng pigilan nito ang kanyang kamay,. Hey! Are you looking for me? Naiinis na tanong ni Noel, Naiinis siya kse karamihan ng babae dito sa bansa kilala siya,,. Saan bang parte ng mundo ka ba galling at Hindi mo ako kilala? Naiiritang tanong ni Noel. Ikaw si Noel Santander??? OMG never mind at nagmamadali ng lumabas si Keyn, pero bago pa man niya mabuksan ang pinto ay iniluwal ang maganda at seksi na si Angeline. Nabigla man nagawa pa rin magtanong ni Angeline, “Are you Ms. Cristine Anne Montabella of CAM Shipping Lines? Para naman nahimasmasan si Keyn, Yes its me. Actually Im here sana to negotiate with you regarding our Proposal but I guess hindi na kailangan, and I do believe that Mr. Santander is not interested in any of our proposal, sabay tingin ng masama ke Noel. “Angeline prepare the contract with our conditions, walang gatol na sabi ni Noel ke angeline. Napataas kilay naman si Keyn ng tumingin ke Noel, What are you saying? I thought you rejected our proposal already? And beside hindi na ako interesado sa iyo to be our indorser kaya nevermind na lang pagkakasabi ni Keyn. Are you sure? Kapag ba nalaman ng boss mo na ikaw at hindi ako ang nag reject ng proposal maipapaliwanag mo ba ng maayos sa management nyo? And beside ako na lang ang nag iisa at tanging option mo Ms.???? What’s your name again?    Napatingin naman si Keyn ke Noel, naisip niya na eto na nga lang pala ang option niya, naisip niya rin yung mga plano niya for marketing department nila and yung plano niya to impress her Dad kaya pikit mata na siyang makikipag deal sa kinaiinisan niyang binata. Ok Ms. Pascual we can proceed with the contract and send our copy para ma forward ko sa legal department namin, sabay tingin ke Angeline. Nakita ni Keyn ang mga mata ni Angeline  na may pagtatanong habang nakatingin ke Noel. And by the way I’m Christine Anne Montabella, Marketing head of CAM Shipping Lines, for your information Mr. Santander. Montabella??? How are you related with Don Calvin Montabella? The Owner of Montabella Empire? Tanong ni Noel sa Ah! Malayong kamag anak ko si Sir Calvin, kinakabahang sagot naman ni Keyn.,kabilin bilinan ng daddy ni Keyn na kelangan pa niyang itago ang identity niya for her own safety kaya nakapag sinungaling na naman siya.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD