Chapter 25

1269 Words
"Gagawa po akong paraan para makalaya kayo agad dito, Itay," wika niya sa ama. Natapos na ang bagyo ng damdamin. Humupa na ang emosyong kinimkim nilang dalawa. "Huwag na anak. Hayaan mo na ako rito. Ang mahalaga sa akin ay ang nasa mabuti kang kalagayan, na ayos ka lang." malungkot ang mga matang saad ng kanyang ama. Ginagap niya ang kamay nito. "Itay, hindi ko hahayaan na mabulok kayo rito. Mag-iipon ako ng pang piyansa ninyo." Maluha-luhang napangiti ito sa kanya. "Kamusta ka na pala, anak? Saan ka ngayon nakatira? Kay Robert ba?" Malungkot siyang napangiti. Napakagat siya sa kanyang labi at umiling. Kununot ang noo ng kanyang ama at nagkasalubong ang kilay. Napasulyap siya tuloy kay Jayson na kausap ng isang pulis. Wala sa sariling napalingon din ang kanyang ama sa gawi na tinitignan niya. Napahugot ng malalim na hininga si Mr Rivas nang makita kung sino ang sinusulyapan ng anak. Naningkit ang kanyang mata lalo na noong tumingin din si Jayson sa gawi nilang mag-ama at salubungin ang nanghuhusga niyang titig. Kinuha niya ang atensiyon ng anak sa pamamagitan ng pagtapik sa kamay nito. "Bakit mo kasama ang Perez na iyon Viv?" puno ng pag-aalalang tanong niya sa anak. Ito naman ang napakunot noo. Walang kaalam-alam ang Tatay niya sa pangyayari noon dahil hindi naman siya nagku-kwento dito. "Hangga't maaari iwasan mo siya anak. Hindi ka dapat lumalapit sa kanya. Baka mapahamak ka..." Nagtaka si Vivien sa babala ng ama. Napalunok siya at muling napalingon sa gawi ni Jayson. "Hindi ko maintindihan Itay." "Basta anak, lumayo ka hanggang maaari." Nalilito si Vivien dahil sa turan ng ama. Napa isip siya kung ano ba talaga ang ugnayan nila kay Jayson. Bakit ganoon na lamang ang reaksiyon ng kanyang ama. "Tay?" "Mas maganda nga sigurong makalabas na lang ako dito at sumama ka na lamang sa akin, magpakalayo-layo na lamang tayo." Biglang na lamang kinilabutan si Vivien sa suhestiyon ng ama. Naging magalaw tuloy ang mga mata niya at hindi mapakali. Wala siyang maapuhap na salita para tanggihan ang ama. Sa totoo lang, kahit makalabas na ang kanyang ama, wala na talaga siyang balak sumama dito. Binabalak niyang mamuhay mag-isa. Tutal, ganoon naman kahit noon pa. Hindi na siya uuwi sa kubo nila sa bundok. Makikipagkita na lamang siya sa ama kapag umuwi ito galing sa trabaho. "Nagdadalawang-isip ka bang sumama sa akin anak?" Lalo siyang napipilan sa tanong nito. Napatingin siya sa kamay niyang hawak nito. "Tay, huwag na muna nating isipin iyan. Unahin muna natin ang paglaya mo..." Nang biglang tumuwid sa pagkaka-upo ang kanyang ama. Ang tingin nito ay lampas sa kanya kaya napalingon siya sa kanyang likuran. Nahigit niya ang hininga dahil ngayon ay nasa malapit na si Jayson. Matamang nakatingin din sa kanyang ama. Mabigat ang pakiramdam niya sa oras na iyon. Tinitigan niya ang ama. Inaarok ang emosyong meron ito. Pero parang tupang hindi makatingin sa kanya o kay Jayson ang kanyang ama. Muli niyang sinulyapan si Jayson sa kanyang likod. "Pwede ko bang makausap ang iyong ama,Vien?" Nagulat siya doon. Maging ang kanyang ama ay gulat at napatingin sa gawi niya. Sinulyapan niya si Jayson. Hindi man lamang siya pinag aksayahang bigyan ng pansin. Seryoso ito na nakatingin sa kanyang ama. Bigla siyang naging uneasy dahil doon. Para bang may mali, pero hindi niya matanto kung ano. May nagsasabi sa kanyang isipan na manatili sa kanyang ama. "Kailangan ko siyang kausapin ng kami lang Vien," lumingon si Jayson sa gawi niya. Walang emosyon ang mga mata nito at seryoso. "Hin..." "Hinihintay ka ng kaibigan ko para asikasihin ang paglaya ng Tatay mo." Pareho silang napatingin ng kanyang Itay kay Jayson. May tuwang biglang sumibol sa kanyang dibdib na pwede nang lumaya ang kanyang ama. Samantalang pag-aalala ang sumilay sa mukha ni Mr. Rivas sa biglaang paglaya. Dahil sa tuwa, isinantabi ni Vivien ang alalahanin tungkol kay Jayson. Nagpa alam siya agad sa ama para asikasuhin ang paglaya nito. Naiwan ang Tatay niya at si Jayson. Bago man tuluyang umalis. Sumulyap muli si Vivien sa mga ito. Nakatayo si Jayson malapit sa kanyang ama. Nakatukod ang kamay nito sa mesa at parang seryoso ang ibinubulong nito sa ama niya. Gusto niyang bumalik pero inaya na siya ni Roy para sa papeles na kakailanganin ng kanyang ama. Napag-alaman niyang hindi naman pala nagkaso ang nabugbog ng Tatay niya. Kaya ipinagtaka niyang tumagal ito sa kulungan. "Nagpapabayad kasi ang may-ari ng club sa mga nasira nila. Walang pambayad ang tatay mo kaya heto," sagot nito sa tanong niya. Napag alaman niya rin na si Jayson ang nagbayad ng lahat para lumaya ang ito. "Salamat Roy," matipid siyang ngumiti. Ngumiti rin sa kanya ang lalaki at napakamot sa batok. "Basta ba huwag mong iwanan iyang kaibigan ko Viv," nahihiya nitong saad mas lalong naging malikot ang mga kamay nito sa ulo. Napatawa siya. "Bumalik na tayo." Nauna na siyang naglakad para puntahan ang kanynag Itay at si Jayson. Minadali nita ang paglalakad dahil may pakiramdam siyang hindi maganda. Tama nga siya dahil pagdating niya roon, mabigat ang atmospera ng paligid. Ang kanyang ama ay tila nangangalit. Madilim ang mukha nito na nakatitig lang kay Jayson. Tapos na rin ang pag-uusap ng mga ito. Nagpalinga-linga tuloy siya sa dalawa. Pinag palipat-lipat niya ang tingin sa tatay niya at sa nakatalikod na Jayson sa kanya. Pakiramdam niya parang naglalabas ng maitim na aura si Jayson. Kinikilabutan siya sa tuwing ganoon ang lalaki. "Hmmmm!" tumikhim siya kaya napalingon sa kanya si Jayson. Blanko na naman ang ekspresyon nito. Tumayo ito ng tuwid at binigyan siya ng espasyo para makalapit sa ama. Ang ama naman niya ay napasulyap sa kanya. Nagtatanong ang kanyang titig dito. Hindi niya kasi magawang magtanong ng diretso lalo na at kaharap si Jayson. "Malaya na ba ako anak?" Tumango siya sa ama. "Uuwi ba kayo sa bahay?" tanong niya rito. Hindi alam ni Vivien kung guni-guni niya lamang ang biglang pagkagulat ng kanyang ama sa kanyang tanong. Agad naman itong nakabawi at umiling sa kanya. "May aasikasuhin akong mahalagang bagay." Tumayo ito at lumapit sa kanya. "Mahal na mahal kita anak, wala akong ibang hinahangad kundi ang kabutihan mo. Kung may nagawa man akong pagkakamali, patawad." Kinilabutan si Vivien sa sinabi ng ama. Wari'y nagpapaalam ito. "Saan kayo pupunta?" Napalingon siya kay Jayson na madilim pa rin ang mukha na nakikinig sa usapan nila ng kanyang ama. Alam niyang may kinalaman si Jayson at ang pag-uusap ng mga ito sa desisyon ng kanyang Itay. "Basta anak..." muli itong tumingin kay Jayson. "Mag-iingat ka sana lagi. Huwag mong hayaan saktan ka para sa kasalanan ng iba." Lalong nangunot ang noo niya sa tinuran ng ama. Niliyakap siya nito. At naglakad palayo upang kunin ang mga gamit sa loob ng selda. Nang mawala sa kanyang paningin ang ama, binalingan niya si Jayson. "Anong pinag-usapan niyo ni Itay?" May himig pag-aakusa ang tanong niyang iyon. Naningkit naman ang mga mata mata ni Jayson sa kanya kapagdaka'y nagiwas ng tingin. "Umuwi na tayo." Nauna na itong maglakad. Hindi siya umalis sa kinatatayuan kaya lumingon muli ito sa kanya ng nakakunot noo at mukhang galit na naman. "Hihintayin ko si Itay makalabas!" Matigas niyang saad na ikina buntong hininga nito. "Then, hihintayin na lamang kuta sa sasakyan," sabi nitong muling tumalikod at umalis. Napabuga siya ng hangin. Ewan niya kung bakit iba ang pakiramdam niya sa kinikilos ng ama at ni Jayson. Ilang sandali lang ay lumabas na ang kanyang ama. Kahit anong pilit niyang kumbinsihin ito na magsalita, hindi siya nagtagumpay. Kaya binigyan na lamang niya ng ipon ng pera ang ama at naghiwalay sila sa oras ding iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD