Natatawa siya na kinikilig dahil sa walang humpay na mga bilin ni Robert. Kauupo pa lamang niya sa kotse nito nagsimula nang ibilin ang hindi niya dapat gawin.
"Remember okay, huwag kang makipagsayaw ng sweet. Sa mga babae mong friends ka lang makihalubilo. At dapat marunong kang tumanggi kapag inaya kang sumayaw ng mga lalaki." Ulit na bilin nito. Pababa na siya sa kotse pero napatigil siya.
Ngumisi siya at may kapilyahang naiisip.
"So anong gagawin ko, iburo ang sarili ko sa upuan? Um-attend pa ako kung hindi rin naman ako mag-eenjoy!" Nakanguso niyang saad na ikinakunot ng noo ni Robert. "Ang ganda ko kaya para hindi irampa," dagdag pa niya at mas lalong lumawak ang ngiti sa reaksiyon ng binata.
Marahas na bumuntong-hininga ito at mukha nang problemado kaya lalo lang siyang napangisi.
"This is really not a great idea! Kung hindi lang ako pinapauwi ni Mama, guwardyado ka hanggang matapos iyang walang kuwentang prom na iyan," maktol na saad ni Robert. Napataas ang kilay niya rito.
"Paanong walang kuwenta, eh siya nga noon, hatid sundo pa ang prom date", sabi niya sa isip at sinarili na lamang iyon. Baka kung magsalita pa siya ay hindi na siya iwanan nito. Okay lang naman sa kanya iyon, ang huwag nang um-attend kaya lamang, sayang ang effort na ginugol ni Mrs. Belen sa kanya.
"Oh siya,ingat sa pagda-drive pauwi. Salamat", paalam niya. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan.
"I'll be here at Eight," paalala nito bago pa man niya maisara ang pinto.
"Ano? Ten," sabi niyang tinapunan ito ng hindi makapaniwalang tingin.
"Eight-thirty," tawad nito na ikinasimangot niya.
"Umuwi na lang tayo!" maktol niya at muling pumasok sa kotse. Humalukipkip siya at busangot ang mukhang naupo.
Napabuntong-hininga ulit si Robert.
"Okay, Nine pm." Suko nito sa kanya. Nangiti siya, kaya naman nahalikan niya ito sa pisngi bago tuluyang lumabas.
Hindi makapaniwalang nagawa iyon ni Vivien kaya naman halos hindi na niya lingunin ang kinaroroonan ni Robert.
Sa pagtapak niya sa venue, maraming mga mata ang agad na nakatingin sa kanya. May mga nagbubulong-bulungan habang pasulyap sulyap sa kanya. Tipid siyang nangingiti sa mga bumabati sa kanya, ang iba ay hindi makapaniwalang siya iyon.
Hindi pandidiri ang nakikita niya sa mga mata ng iba kundi paghanga. Kaya naman taas noo siyang naglakad papunta sa designated place ng klase nila.
"Vivien!?"sigaw ni Carol at nilapitan siya. Tuwang-tuwa ito na makita siya. Inilihim kasi niya na dadalo siya. Pinipilit siya nitong pahiramin ng gown pero tinanggihan niya.
"Oh my gosh! Ang ganda mo," bulalas pa nito na nakakuha ng atensiyon ng ibang naroon. Sa lakas ba naman ng boses ng dalaga na para bang may sariling mikropono sa bunganga.
Kaya naman pinagkaguluhan na siya roon. Malawak ang ngiti niya sa lahat. Para lamang mapawi noong mapadako ang tingin niya sa madilim na sulok ng mga upuan. Mariing nakatitig sa kanya si Jayson. Nakasandal ito sa pader habang nilalaro ang cellphone sa kamay.
Napaiwas siya ng tingin dito dahil kinilabutan siya at kinabahan sa mga titig nito. Hinila siya ni Carol at sa harap sila naupo. Sinundan sila ng iilan pang mga kaklase.
"Vivz, sayaw tayo mamaya ha" yaya ni Duane ang isa sa palabirong kaklase niya.
"Naku, huwag siya Vivz. Ako dapat ang firts dance mo," sabad sa kanila ni Bryce. Masasabi niyang isa ito sa guwapo sa klase nila. Kaya lang ay babaero. Madaming nililigawan. At mukhang prospect pa siyang isali sa babae nito.
Nginitian niya ang mga ito pero hindi siya makasagot. Napakapit na lang siya sa braso ng kaibigan na mukhang busy sa pagte-text.
"Naku guys, hindi siya makikipagsayaw okay? May text sa akin. Bawalan at bantayan ko raw itong si Vivz." Deklarasyon ni Carol na winagayway pa ang cellphone.
Naisip ni Vivien si Robert at mga bilin nito. Napailing na lang siya. Ito siguro ang nag-text kay Carol.
Paumpisa na ang programa, parami na rin ang mga estudyante. Sa sulok ng mga mata ni Vivien nakikita niya ang grupo ni Jayson sa may sulok at madilim na parte kung saan malapit sa kanikang inuupuan.
Ayaw niyang lumingon sa banda ng mga ito pero napilitan siyang sumulyap noong biglang mag-ingay ang mga ito. Binibiro ng mga ito si Jayson at isang babae.
Lumapit ang magandang babae kay Jayson. Hapit na hapit ang black gown nito sa katawan. Bagamat nakatalikod ito sa kanya, alam niyang maganda at seksi ito. Naisip niyang iyon siguro ang girlfriend ni Jayson sa kabilang klase.
Aaralin pa sana niya ang kabuunan ng babae pero napabawi siya agad ng tingin dahil biglang nagtama ang mga mata nila ni Jayson.Yumakap ang babae kay Jayson pero ang tingin nito ay nasa kanya.
Bigla siyang kinabahan. Baka kasi ang magandang gabi niya ay sirain nito. Baka kung ano na naman ang gawin nito para ipahiya siya. Ngunit ang alalahaning iyon ay hindi naman nangyari.
Nag-enjoy nga siya ng husto kahit pa nga nakabantay sarado si Carol. Ito ang tumatanggi sa nagbabalak na isayaw siya. Nakakasayaw naman silang dalawa sa tuwing may group dance.
"Ladies ang Gentleman, we are going to vote for our Prom King and Queen. We are going to announce it soon as we tally all votes. But for now, enjoy this song everyone," anunsiyo ng tagapagsalita.sa stage.
My love by Westlife ang pinatugtog. Sweet song iyon kaya naman nanatili na lamang siyang umupo at hinayaan si Carol na makipagsayaw sa crush nito. Naramdaman niyang may naupo sa tabi niya pero hindi niya iyon pinansin dahil nga busy siya sa panonood ng mga nagsasayaw.
"Care for a dance?" Malalim at baritonong boses ang mabilis na nagpabaling kay Vivien sa kanyang kaliwa.
Nanindig ang kanyang balahibo at pumiksi ang kanyang puso dahil si Jayson iyon. Seryosong nakatingin ito sa kanya. Normal na normal ang pagkakaupo nito sa tabi niya. Hindi gaya niya na hindi mapakali. Kung mananatili ba siya roon o aalis na lamang siya para makaiwas.
"Sorry, pero ayaw kong makipagsayaw" umilap ang mga mata ni Vivien noong tumayo ito at humarap sa kanya.
"Who said so?"
Napabuntong hininga si Vivien at pilit na iniiwasan ang tingin nito.
"Bawal ka lang makipagsayaw sa iba pero hindi sa akin" nanlamig ang buong katawan ni Vivien sa turan ni Jayson.
Hindi niya alam kung paano nito nalaman ang pagbabawal sa kanya, malamang narinig nito kanina ang deklarasyon ni Carol.
"Let's go" sabi nitong hinawakan ang kamay niya.
Agad niyang binawi ang kamay mula rito. Kaya naman matalim ang tingin na ipinukol sa kanya nito.Naningkit ang mga mata nitong humarap muli sa kanya.Pinantayan niya ang mga tingin na iyon at hindi nagpatalo.
"Hindi ako makikipagsayaw sa kahit na kanino Jayson. Lalo na siguro sa'yo" madiin niyang saad na lalong ikinadilim ng mukha nito.
His jaw clenched as he try to smile.
"Really?"sarkastikong turan nito. "Whether you like it. I will be your first and last dance." Bulong iyon pero halos tumayo lahat ng balahibo niya sa katawan. Halos magkalapit na din kasi ang mukha nila dahil yumuko ito para magpantay sila.
Hindi siya nakahuma noong hamplusin nito ang mukha niya.
"You are so beautiful. Sayang naman kung hindi maisayaw" bulong muli nito.Marahas siyang napabungtong hininga dahil sa hindi paglubay sa kanya.
Magsasalita pa sana siya noong may magsalita mula sa likod ni Jayson.
"Nandito ka lang pala, akala ko nasa washroom ka pa. Let's dance.", aya ng babaeng kasama nito kanina. Halata ang inis sa boses nito.
Muling hinuli ni Jayson ang mga tingin niya, bago nito ilayo ang mukha sa kanya. Tsaka bumaling sa babaeng naghihintay.
"Sorry babe, I just say hi to my special friend here." Rinig niyang paliwanag ni Jayson sa babae. Napakadiin pa ng pagkakasabi nito ng Special na salita.
Napapikit si Vivien. Pagkamulat muli ng kanyang mga mata, 'di niya naiwasang makatitigan muli si Jayson. Sa harap lang kasi niya ito sumayaw kasama ang kapareha.