Kabanata 6

1000 Words
AZUL Tao. Napakaraming tao. Sinong mag-aakala na ang lugar na ito ay tulad namin, napakaraming tao? Napalunok ako at napatingin kay Jordan. "T-Tama ba ang nakikita ko...?" Napalunok din ito at tumango. "T-Totoo... kasi nakikita ko rin sila eh," Kung gayong tao rin ang mga ito, ibig sabihin lang eh tulad namin ni Jordan, marami ring ibang tao o gamer na naglalaro ng The World Beneath ang napunta sa larong ito. Umalis na kami sa pinagtataguan namin at pumunta kami roon. Tulog na tulog pa ang mga ito. Mahihimbing ang tulog. "Sobrang dami nila, Jordan..." sambit ko. "Maraming players ang The World Beneath, Azul, kung tama nga ang sinasabi mong nasa laro tayo ngayon. Umaabot ng isang milyon ang active players sa loob lamang ng anim na buwan simula noong ni-launched ito,"  Tumango ako. Tama ito.  "Sa totoo nga n'yan eh, konti pa ang mga ito kumpara sa kabuuang headcount ng mga manlalaro ng The World Beneath. Sa tantiya ko ay nasa one hundred plus lang tayo lahat lahat. Wala pang one percent ng kabuuang manlalaro," May punto si Jordan. Kung gayon, bakit kami lang naririto? Bakit ang iba ay wala? Anong meron sa amin at kami ay napunta rito, pero ang ibang players ay hindi? "Tara at gisingin natin sila," yakag nito sa akin. Tumango ako at akmang gigisingin na ang lalaking katabi ko nang bigla ay may tumunog na parang sirena ng pulis. Sobrang lakas. Nakakabasag ng eardrums. Nagmumula ang tunog na 'yon sa gintong kastilyo ng Elinia.  Napatakip kami ni Jordan ng tenga dahil pakiramdam ko ay sasabog ito sa sobrang sakit. "Punyeta! Bakit kailangan nilang lakasan ang tunog!" sigaw ko kay Jordan. Parang mayayanig pati ang kaluluwa namin sa sobrang lakas ng tunog. Ang nakakainis pa, hindi lang tunog na parang nag-a-alarm. Nakakatakot pa na tunog 'yon. Iyong tunog na ginagamit sa mga suspense movies pa talaga ang napiling pambubulabog ng mga ito. Nakangiwi na rin ang mukha ni Jordan sa sobrang sakit. Malapit na lang kasi sila sa kastilyo, tiyak hindi lalagpas na isang daan na hakbang.  "Huwag mong kalilimutang ipaalala sa akin na sapakin sa mukha kung sino man 'yang nagpatunog na 'yan, Jordan!" nanggagalaiti kong sigaw. Gigil na gigil talaga ako. Napakahudas ng nagpatunog na 'yon! Maya-maya ay nagising na ang mga taong nakahiga at mahimbing ang tulog sa damuhan.  Parang 'yung iba ay naalipungatan pa mula sa malalim na pagtulog.  Kasabay ng pagpatay ng tunog, ay bumukas ang napakalaking pintuan ng kastilyo ng Elinia.  Ginto na nga ang kulay ng Elinia, nakakabulag pa sa mata ang liwanag na nagmumula sa malaking pinto ng Elinia. "Damn it! Jordan, huwag mong sabihing nasa langit na tayo!" singhal ko rito. "Tanga! Huwag kang umasa na mapupunta tayong langit, makasalanan tayo!" naiinis ding sigaw nito. Marahil sa liwanag na nagmumula sa kastilyo. Napakasakit naman kasi sa mata kaya talagang nakatakip sila ng mukha gamit ang mga braso. Ang pagkabwisit na nararamdaman ko ay biglang napunta sa ngiwi sa sinabi nito. Grabe naman ito makamurder ng pagkatao ko. Para namang napakasama kong tao.  Tuluyan nang nagising ang mga tao na kasama namin. Lahat ay napasinghap nang makita ang kakaibang liwanag na 'yon. Ni isa ay walang nagsasalita. Maya-maya ay may lumabas na anino mula sa liwanag. Kinabahan ako. s**t, sino ito? Monster ba ito? Kasabay ng pagbuo ng pigura, ay nawala na rin ang liwanag. Nalaglag ang panga ko ng literal nang ibang-iba sa iniisip ko ang makikita ko. Iniisip ko kasing 'yung mga monster sa The World Beneath ang makikita ko. O dili kaya ang mga monster boss sa bawat stage. Pero ang nakikita ng mata ko ngayon ay tulad namin, mga tao rin. Ngunit nakasuot ito ng mga armor at may hawak na matulis na spear. May suot ding helmet ang mga ito.  Naalala ko sa get-up ng mga ito ang makalumang giyera ng Hapones. Ganito ang outfit ng mga ito. Wait... oo nga, ng mga ito. Dahil... napakarami ng mga ito! Halos malula ako sa dami. Kung marami kaming mga tao rito, parang kasingpantay din namin ang dami ng mga ito. Gusto kong magsalita, pero walang lumalabas na salita sa bibig ko. Parang mga sundalo ito na pare-parehas pa ang mga bawat paghakbang. Masyadong synchronized ang bawat movements ng mga ito papunta sa amin. Ang nakikita lang namin sa kanila ay mga mata. Takip ang bibig at buhok ng suot na helmet na yari siguro sa silver. Kinabahan ako bigla... punyeta, papatayin ba nila kami? Walang emosyong pumila ang mga ito sa harap namin.  Walang nagsasalita ni isa sa amin. Siguradong windang din ang mga bagong gising.  Well, sino ba ang hindi mawiwindang kung ganito ang mabubungaran...? Pero may isang malakas ang loob na nagsalita. "P-Puta! Sino kayo...?! N-Nasaan kami?!" Kung hindi lang seryoso ang sitwasyon, matatawa sana ako sa pagmumura nito. Dahil doon ay naglakas loob na rin ang iba. "Sino kayo! Mga hayop kayo!" sigaw na rin ng ilan. May isang naglakas ng loob pang sugurin ang isang mga naka-armas. Pero bago pa 'yon mangyari ay tinutok na ng mga nakaarmas ang spear nito sa leeg ng lalaki. Lahat sila ay napasinghap. Nanginig kami lahat sa takot. "Para sa ikabubuti mo, bumalik ka na sa pwesto mo at makinig na lamang," walang emosyong sambit ng isang naka-armas.  Kahit papaano naman ay nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko papatayin na nito ang pobreng lalaki. Isa pa, nasa Pilipinas pa rin pala kami dahil Tagalog ang salita ng mga ito. Akala ko matutulad na ako sa ibang movies na pagkagising eh nasa ibang bansa na eh. "Nakikiusap kaming huminahon na muna kayong lahat. Pumila kayo ng maayos at makinig. Hindi kami naririto upang saktan kayo. Ngunit kung kami naman ang sasaktan niyo ay wala kaming ibang pagpipilian kundi ang ipagtanggol ang sarili namin," seryosong sambit ng isang lalaking tanging naiiba ang kulay ng armor. Oo nga 'no? Sa dami ng mga nakaarmas na ito, may nagiisang lalaki na iba ang kulay ng armor sa lahat. Siguro ito ang pinakaleader ng mga ito. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD