AZUL Nagising ako dahil sa napakaingay ng paligid. Ang kinabubwisitan ko pa ay pinapatugtog pa ang mga kantang ginagamit sa patay kapag ililibing na ang namayapang kamag-anak. Pero agad din akong napakunot-noo. Teka, ako lang naman mag-isa ang nakatira sa apartment ko, ah? Bakit may ganitong tunog? Nagising na ang buong diwa ko at bumungad sa akin ang isang tent. "Huh? Nasaan ako?" Kabang tanong ko. Ngunit agad kong nasapo ang ulo ko nang maalalang wala nga pala ako sa tunay na mundo. Nasa dimension nga pala kami ng Elinia. Bakit ko ba muntik makalimutan 'yon? Tinanggal ko ang zipper ng tent at sumilip sa labas. Ang deputang robot nanaman sa pader ang nagpapatunog! Kapag ako natalo, bago ako umalis sa lugar na ito, sisirain ko muna ang depungal na 'yon! Nakita kong gising na rin ang

