AZUL Gusto kong maging masaya na isa na akong ama. Gusto kong i-celebrate ito at sabihin sa lahat na buntis na ang asawa kong si Isla. Yes, asawa. Ginanap ang kasal-kasalan namin ni Isla sa tabi ng lawa kung saan unang nagsanib ang aming mga katawan. Si Jordan, Ate Judith at Rose ang saksi ng aming pagmamahalan. Hindi man kami nakapagkasal sa totoong mundo at basbas ng Diyos, alam namin sa puso namin, kinasal na kami. Yari sa bulaklak at dahon na dinikit sa alambre ang wedding ring namin. Nakakatawang kinasal kami gamit ko ang warrior outfit ko at si Isla naman ay ang archer na outfit nito. Wala kaming reception, ngunit nakahuli kami ng isda sa lawa at kakaibang isda 'yon. Napakasarap. Sinama namin ang pagkaing binibigay ng mga The Crusader at ang saya saya ng araw ng kasal namin. Di

