AZUL Dinala kami ng mga The Crusader sa isang kwarto ng Elinia. Hanggang ngayon ay humahanga pa rin ako sa ganda ng interior design nito. Sana kung hindi lang ganito karumi at kadilim ang larong ito, ang kastilyong ito ay masasabi kong isa sa magandang nakita ko sa buhay ko. Pagkapasok namin roon ay parang biglang nasa ibang dimension kami. Napunta kami sa isang masukal na gubat. Nakakatakot at wala man lang ako makitang hayop, halaman o bulaklak. Mga nagtataasan na puno lamang ang naroroon. Ano ang gagawin namin ngayon? Biglang lumitaw ang robot na parang CCTV sa puno. "Good morning, players. You are all now in your intermediate level. Welcome to stage 3 of the game. You are all in the Shinrin Lake. Please group yourselves to five. Each team will find the forbidden scroll here in th

