AZUL Matulin na lumipas ang mga araw at linggo. Patuloy pa rin kaming lahat sa pageensayo. Masasabi ko namang nakatulong ito para mas mahasa ko ang skills and abilities ng isang Warrior class. Pakiramdam ko ay tunay akong naging malakas. Tingin ko hindi na ako masyadong lampa katulad noong mga nakaraang round. Ganoon ang araw-araw na routine namin. Gigising sa umaga, mag-aalmusal, pupunta sa training ground at magpapractice. Pagsapit ng tanghalian, muling babalik ang mga The Crusaders at naroroon na ang mga pagkain namin. After ng isang oras, muli kaming babalik sa training ground upang magensayo ulit at pagsapit ng dilim ay magdi-dinner na kami at karamihan sa amin ay matutulog na. Pagkatapos ng dinner ay natutulog na ako o magkikita kami ni Isla. Sila Jordan at Ate Judith ganoon din

