THIRD PERSON VIEW Ilang linggo na ang nakakalipas sa mundo ng Elinia, The World Beneath. Walang ginawa ang mga players kundi ang magpractice at magtraining para sa susunod na round. Ang hindi alam ng mga manlalaro, iba ang oras at dimensyon ng Elinia sa totoong mundo. Ang isang araw lamang sa Elinia ay katumbas na ng dalawang linggo sa totoong buhay o totoong mundo. Kaya naman sa totoong mundo, ilang buwan nang nawawala ang mga manlalaro at ang mga kaanak ng mga ito ay masyado nang nagaalala para sa mga nawawalang mahal sa buhay. "Kailan kaya babalik ang anak natin? Baka kasi hindi natin siya pinayagan mag-boyfriend kaya lumayas? Baka nakipagtanan siya sa kung sino?" Mangiyak-ngiyak na sambit ng nanay ni Shereen. Matigas naman ang mukhang sumagot ang ama nito. "Kung sumama siya sa ku

