Chapter 1 - Stephanie's POV

430 Words
"Nay, mauna na po ako at baka malate po ako sa klase ko ha? mamaya po baka gabi na ako makauwi kc may raket po ako sa bayan, may event po dun and nainvite po ako na kumanta, sayang din po ang TF". Masayang paalam ni anie sa kanyang inang si Celia. "Sige anak, mag-iingat ka ha, ako naman ay paparoon sa bahay nila kapitana at maglalabada ako dun.   "Si tatay nga po pala?" "nasa kabilang barangay, may trabaho sila doon, may ipinapagawa daw na bahay yung kumpare nya, sya ang kinuhang maggagawa, tulog ka pa kaya di na sayo nakapag-paalam." "Sige po, mauna na po ako". at masayang naglakad na si Anie patungo sa sakayan ng tricycle palabasan kung saan sya sasakayan naman sa jeep. Narating ni Anie ang Campus nila ng ligtas, agad syang nagtungo sa classroom nila upang maghanda na sa klase bagamat maagap pa sya ng 20 minutes bago mag-umpisa ang klase.  Ginagawa nya lagi yun upang hindi sya mahuli at higit sa lahat ay upang makipagkwentuhan sa kanyang mga kaibigan. Chandria: Hey Anie, good morning, parang maganda ang gising mo ah? Anie: Hello baks, oo maganda talaga kc excited ako para mamayang gabi eh :) (masaya niyang tugon) Chandria: Bakit baks ano meron mamayang gabi?  Anie: Naimbitahan kc ako kumanta sa isang event, alam mo naman kailangan ko lagi yun eh, para sa allowance ko na di na isipin pa nila inay. Chandria: sabagay, support kita, pasama ako ha? Anie: support ka jan eh makikikain ka lang naman eh. HAHAHAHAHAHAHA (Masayang nakukwentuhan sila Stephanie at Chandria ng dumating ang 2 pa nilang kaibigan si Elle at Jela.  Kambal sila at pareho sila ng course na kinuha kaya magkaklase pa rin sila, di na nagsawa diba? hahahaha) Elle & Jela: HI MGA BAKS... :) masayang bati ng dalawa kila anie at cha. Cha: Uy jela may report ka na ba para mamaya sa marketing? bigay mo na tanong sa amin at sagot.  Anie: Hahahahaha, lakas mo baks, hihingin mo para bida-bida ka mamaya? hahahah (at naghagalpakan sila ng tawa) Maya-maya pa ay dumating na ang kanilang professor at ipinaliwanag lang naman sa kanila ang mga dapat nilang gawin, dahil ang subject nila dun ay para na sa OJT nila, kaya kailangan nila maghanap ng company na pwede nilang pag-applyan. Natapos ang buong maghapon ni Stephanie ng maayos naman, bagamat mejo full ang schedule at unang araw nila para sa ikatlong taon nila sa kolehiyo.  Masaya sya at umaasa na makakapagtapos din sya sa pag-aaral at makakahanap ng matiwasay na trabaho balang-araw. Pagkaout nya sa school ay agad na syang naghanda patungo sa event na pupuntahan nya, Isa iyong birthday party ng isang konsehal ng bayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD