PRINCE's POV
Nandito na kami ngayon sa hide out namin, hindi simpleng hide out to, pag nakita mo nga to hindi mo iisipin na hide out pala to, parang mansion kasi itsura lahat ng kailangan namin nandito na.
lahat sila may kanya kanyang ginagawa tss ang iingay nila di ako makapag isip ng maayos tsk!
sumabay pa yung welcome ceremony bukas. gusto kasi ni Mrs. Reyes na mag perform kami remember may banda kami, hindi naman sa wala kaming sapat na oras para sa practice kaso lang tinatamad ako isang practice lang naman ok na. magagaling kami eh mamaya na kami pag papractice busy pa ko eh.
Iniisip ko lang naman kung..
Iniisip mo ba yung walong babae? - Mikko
napalingon ako sa kanya
ang galing talgang bumasa nitong si mikko
oo - ako
hindi ko sila maresearch kasi di ko naman alam mga pangalan nila - Mikko
Nako wag nyo nang problemahin yung mga babaeng yun papansin lang satin yun - cloud
BOOOOOGGGSH!
ARAY! bat ka nambabatok??! - cloud
Tanga ka talaga kahit kailan cloud! - sky
Hindi mo ba napansin na may kakaiba sa mga babaeng yun?? - Red
>___________> ---> -___-
(kami) (red)
napatingin kaming lahat kay red,, minsan lang to makisama samin ah! tamad kasi to eh, laging my sariling mundo kaya nagulat kami
oh bat ganyan kayo makatingin? porket ba tamad ako di niyo na inaasahang mapapansin ko yon? - red
oo pre!! - cloud
CONGRATS TAO KA NA!!! - Sef
AHAHAHAHHAHAHAA!!! - sila
GAGO! - red
pero totoo yung sinabi ni red..
... ramdam ko yon ramdam na ramdam, sa tingin ko kasi hindi sila basta bastang babae - cael
lalong lalo na si Nana - ako
sino si nana? - cloud
bobo ka talga cloud! yun yung tumalon galing second floor! di mo ba naririnig pag tinatawag nila yun?! - saito
oh?! eh alam niyo naman pala pangalan bat di niyo pa isearch??? - Cloud
Ginawa ko na yan, pero mukang nickname niya lang yun...
...hintayin nalang natin na isuot nila yung name plate nila - Mikko
yung lang yung plano natin? hindi ba natin sila ipapa-bully?? kayang kaya naman natin yon ah? tayo ang batas sa school nayon diba - Cloud
AIISSHH!! TANGA KA TALAGA HINDI NGA KASI BASTA BASTA YUNG MGA BABAENG YON AT KAILANGAN MUNA NATIN SILANG KILALANIN BAGO TAYO KUMILOS BOPOLS!! - Sky
ang sakit mo naman magsalita sky! huhuhuhu! - Cloud
Tss bakla ka ba?? - red
Gago! - cloud
mag-practice na nga tayo - ako
My music room kami dito kaya wala nang problema kung san ma papractice..
KHIM's POV
nandito kami sa H.O namin, at walang sinuman ang nakakakita nito dahil nasa underground siya..
hmm idedescribe ko nalang sa inyo kung ano itsura nito.. tutal i trust you naman haha! sasabihin ko din sa inyo yung mga secret ng H.O namin
mga members lang ang nakaka pasok dito, meron kaming sticker na nakadikit sa mga sasakyan namin hindi basta basta sticker yun na kapag tinanggal mo at dinikit sa iba eh magiging valid na. ganito kasi yan .. bago idikit yung sticker na yun sa car namin hahawakan muna namin yun at ni nana para makuha yung finger print namin, ang purpose nun finger print is pag hindi kami yung gumagamit ng car hindi yon gagana it means hindi ka makakapasok sa H.O namin at kailangan din yung finger print ni nana para malaman kung talaga bang member ka dito.
So, pagmeron ka non bubukas lang bigla yung ground as an ung sahig ha/lupa, kasi parang forest ang dadaanan bago makarating sa secret passage ng H.O namin.. automatic din kasi yung tunnel na yon ay machine ang nagpapagana doon, once na bumukas na yung tunnel sa ilalim doon kami daan, yung itsura pala nung tunnel ay parang yung sa underground parking lot. kapag may nag iispy sa amin hindi niya makikita yung tunnel na yon kasi may illusion na makikita yung spy at once na nakapasok kami sa tunnel meron ng mabubuong illusion ng mismong sasakyan namin at deretcho lang ang punta non kaya doon palang ligaw na sila..
so ayun na habang tinatahak namin ang tunnel deretcho lang yung illusyon sa ibabaw namin bale parang shadow namin yung illusyon tas pag narating na namin yung mismong H.O namin meron din parang H.O sa ibabaw nitong H.O namin kaso nga lang ang original na H.O ay maganda as in super ganda at sobrang laki sa likod kasi ng H.O/Mansion look alike na to, my mall, field, swimming area, golf area, track and field, airlines, gunshooting area, horsebackriding area, race track, at lahat ng klase ng field ng sports meron dito.
sa loob naman ng H.O my sala, 8 bedrooms for us and 20 guest rooms, music room, recording studio, dance studio, conference room, cinema room, gym, training room, Judgement room, library, Galaxy room, arcade. etc. tas May dalawang malaking stairs sa gitna ng Empire sa loob mismo ng mansion at yung second floor is yung mga room namin..
oh diba bongga? dito din kami tinetrain ni Nana, yung ibang members namin may sarili silang building at doon sila natutulog..
tapos yung pupuntahan naman ng illusyon ng car namin which is itaas lang ng H.O namin ay parang abandoned building as in super creepy ng lugar na yon...
at once na pumasok ka doon..
hindi ka na makakalabas .. hmm napanuod niyo na ba yung "Grave Encounters"?? kung oo hindi na kayo mahihirapang intindihin ang mangyayari pag pumasok ka dito ang pinag kaiba lang walang multo dito hahah! . pero ieexplain ko na din. once na pumasok ka kasi sa loob nito automatic ka ng lilituhin ng mga lugar dito pwede kang mag lagay ng palatandaan para di ka maligaw pero once na binalikan mo na ung mga platandaan mo pag bukas mo ng door na pinasukan mo magiging hallway ulit yon. my mga CCTV camera sa loob ng building na yon at pwede din kaming makarating sa lugar na yon may secret passage kasi yung H.O namin sa abandoned building na to at yun dun yung time na icocorner namin yung spy para magsalita, at way namin para mahuli yung spy..
kung hindi naman spy ang makapasok doon pwede naming pakawalan.. at kung may isasama kami na hindi member ng Empire namin bibigyan lang namin yun ng VIP Pass. Empire yung tawag sa Hideout namin.
Si Nana ang Engineer o Architect ng Empire namin. ang galing niya no? haha! Lahat kaya niya :) at my secret passage din pala tong Empire namin papuntang Underground. Yung underground naman ay dun ginaganap yung mga gang battles.
oh ayan, na explain ko na sa inyo? dami kasing pahirap ni Ms. author eh kung di niyo daw maintindihan punta kayo sa bahay ni Ms. Author Kukwento niya sa inyo AHAHAH!
Nandito kami ngayon sa Galaxy room.. alam niyo ba kung ano meron dito? edi parang galaxy, ang purpose kasi ng room na to ay pang relax pag nandito ka para kang nasa outer space .. madilim dito sa room na to, ang nagpapaliwanag lang is yung mga stars wala ding gamit tong lugar nato isang room lang talaga pero yung paligid nito puro foam kaya kahit saan ka mauntog dito di ka masasaktan.. wala din windows dito..
Kōchō wa, watashi-tachi wa, ashita jikkō shitai -Nana
(Author: It means "the principal wants us to perform tomorrow")
pag kinakausap talaga kami ni Nana madalas japanese minsan italian minsan french minsan german minsan korean haha! ewan ko ba jan madalang magtagalog yan eh..
pumayag ka? - ako
Watashi wa jikkō shinai to nobeta - Nana
(Author: it means "I said I won't perform")
Shikashi.. (but)
...Kimitachi ni wa, jikkō suru izure ka ni narimasu - Nana
(Author: it means "you guys will be the one who will perform")
Nani? - Shan
(Author: it means "what")
Hāshī wa utaimasu izure ka ni narimasu - Nana
(Author: it means "hershey will be the one who will sing")
Bakit ako?? ayaw ko nahihiya ako >3 - Hersh
huh? bakit si hersh ang gusto niyang magperform??
Watashi ga sō ittanode - Nana
(Author: it means "because i said so")
Watashi wa iku yo - Nana
(Author: it means "i'm going")
lumabas na siya ng galaxy room..
Ehhh??? bakit si Hersh ang gusto niyang pakantahin??? - Miho
Dahil gusto niyang matuto sa Hersh na kumanta sa harap ng maraming tao - kelly
ngayon naiintindihan ko na, gusto ni nana na alisin ni hersh ang hiya niya..
tara, magpractice na tayo ^_^ - ako