"Ang sabi no sa amin, kapitbahay mo lang ang ama ng ipinagbubuntis mo? Saan ang bahay niya diyan?" tanong ng daddy ni Shaira dahil nasa labas sila ng bahay niya ngayon. Kauuwi lang niya ngayon at inihatid siya ng mga ito dahil hindi raw siya puwedeng mag-isa. Kung hindi lang siya buntis siguro sa susunod na taon pa siya uuwi rito dahil may kaunti pa siyang tampo kay Ivan. Nagtataka kasi ang mga magulang niya kung bakit ang laki raw ng tiyan niya. Hindi pa kasi siya nakakapagpa-ultra sound dahil ang gusto niya ay kasama niya si Ivan. Hindi niya alam kung matutuwa si Ivan kapag nalaman nitong ipinagbubuntis niya ang anak nila. Nang mga panahon na sinamahan siya ng mga magulang niya para magpa-check-up ay doon nila nalaman na dalawang buwan na pala ang ipinagbubuntis niya. And no

