Marcus POV “F***ing sh*t!" malakas na mura ko at mabilis na napatalon sa aking kinatataguan. Patakbo at maliksing dumapa sa putikan para makatago. Maraming mga napapalibutang mga basang halaman sa aking katawan. Nahiwalay ako sa aking mga kasama dahil gustong-gusto ko na pulbusin ang mga animal na terorista. Andito kami ngayon sa isang remote area sa Isla ng Jowhaar ng bansang Somalia. Nakaraang linggo ay nagbigay ng hudyat ang aming Big Boss para sa aming panibagong misyon. Ipinadala sa amin ang maraming files na naglalaman ng mga maraming mga larawan at mga pangalan na mga taong kalaban ng gobyerno. Ang aming grupo ang pinagkakatiwalaan sa pangunguna ng aming Big Boss ay walang patumpik-tumpik na kailangan namin iwan ang buhay na mayroon kami. Isa ito sa aming sinumpaang tungkulin. Hin

