Episode 19

2372 Words

Napabalikwas ako sa tindi nang ingay at kalabog sa kung saan. Kulang nalang ay mayanig ang buong silid sa tindi nang kung sino mang herodes ang nagpagising sa masarap kong tulog. “Anak ng tipaklong!" Halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat ng mapatingin sa pintuan ng kwarto ko. Literal pala na may kumalabog dahil nagsihulog ang maleta na pinatong ko sa sidetable na pinangharang ko kagabi dahil sa inis ko kay Marcus. “Open this f**king door Cassandra!" sigaw ni bakulaw. Maya-maya pa ay tumahimik at may narinig akong mga yabag ng mga sapatos na para bang patakbo malapit sa pintuan. Napatayo ako nang may marinig na kakaibang tunog. Para itong makina na diko maintindihan. “Jusko!!!" Napatili ako nang makita nang dalawang mga mata ko ang isang matalim na bagay na may tunog at walang haba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD