Matapos ang eksenang iyon ay wala kaming imikan ni Marcus. Hindi kasi maipinta ang mukha nito bukod sa napakadilim na ay nakabusangot pa. Hindi rin ako umiimik at baka bulyawan lamang ako. Hindi rin ako nakadikit sa kaniya at nasa malaking sofa niya ako nakaupo, ang ginawa ko nalang ay kinuha ko ang earphone ko at nagpakabusy sa cellphone ko. Nanood ako ng kdrama na inirekomenda ng kapatid ko. Akala ko ay matatapos ang araw na iyon na katahimikan lang sa aming dalawa pero nagkamali ako dahil nagpabebe na naman itong bakulaw. Kumain kami nang magkasalo habang sinusubuan ito. Nang matapos ay medyo lumiwanag na ang mukha nito pero nakasimangot pa rin. Saktong ala-singko ng hapon ng bumaba na kami para umuwi. Malapit na kami sa kaniyang kotse ng may tumawag dito sa kaniyang cellphone. Napatin

