Cassey's POV Napabangon ako nang mabilis at humarap sa aking katabi. Tama nga si Marcus! “May masakit ba sayo Sweetheart?" napabangon si Marcus na kahit parang inaantok pa ang mga mata ay pilit paring bumangon. Tinitigan ko ito at sinuri ang buong mukha nito pababa hanggang sa kaniyang katawan at mga paa. “Ikaw ba yan Marcus?" paninigurado ko. “Of course Sweetheart, walang ibang Marcus sa buhay mo, tanging ako lang" sabay haplos nito sa aking pisngi. Ang mainit nitong palad ang nagbigay sa akin ng kapanatagan. Hindi ko tuloy napigilan ang mapahawak sa malapad nitong dibdib na matigas. Naramdaman ko na lang ang paglapat ng labi nito sa akin. Ilang araw ko itong kinasabikan. Kung kaya ay hinalikan ko rin ito nang pabalik. “So sweet” paos na boses ni Marcus matapos ang aming nakalu

