Lexien POV;
Kahit nangangatog ang mga tuhod pinilit ko parin lumakad patungo sa kwarto.
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko sa pangangatog, napa haawak pa ako sa dibdib ko ang bilis parin ng t***k nito., saka ko din nararamdaman ang kirot ng braso ko pag tingin ko may mga kalmot,.at may kung ano naman tumusok sa puso ko., bigla na naman nangilig ang mga luha sa mga mata ko.
Carla!! biglang sambit ko, pero iwan ko at kung bakit siya bigla ang naalala ko at lalo akong napahagulhol sa iyak.,
Mas pinili kong humiga kaya dahan dahan pa akong naglakad papunta sa kama dahil parang mawawalan pa ata ako ng balanse dahil nga sa nanghihina pa ang mga tuhod ko, pag upo ko nakita ko agad ang unan ni Carla.
Kaya kinuha ko ito at niyakap ko ito ng mahigpit., Kinuha ko ito sa kwarto niya nung pag alis niya, para ini imagine ko na lang ang kaibigan ko ang kayakap ko sa tuwing nalulungkot ako.,
"Carla nahihirapan na ako., namimiss na kita" sambit ko at diniin ko pa ang mukha ko dito saka lalong humagulhol sa iyak hanggang sa napagod na ako sa kakaiyak at di ko namalayan nakatulog na ako..
* * *
Krring!!! Kringg!!! Kringgg!!
Nagising ako sa alarm clock
Kaya nung aabutin ko na sana upang patayin "Ahhgh!! aray!!" napa igtad ako dahil sa kirot ng braso ko dahil sa mga kalmot at ngayon may mga pasa na din.
Muli na namang nangilid ang mga luha ko, Nakaramdam din ako ng pananakit ng katawan dahil din siguro sa panlalaban ko sa kanya kagabi,. Sobrang lakas niya
Kahit sobrang sakit ng katawan ko pinilit ko paring tumayo para makapag asikaso at makapag ligo dahil pupunta pa ako sa ospital.
Pagkapasok ko ng banyo pagkahubad ko ng damit mas lalo kung nakikita ang kabuuan ng katawan ko sa malaking salamin ang mga pasa at kalmot ko hindi lang pala sa braso lang halos buong katawan ko meron., Ngunit bigla akong napaatras nang biglang lumitaw sa paningin ko ang galit na mukha ni Sir Marco., Kagabi na halos durugin na lang ako bigla akong nanghina at napaupo ako sa sahig habang bumuhos ang tubig sa katawan ko galing sa shower sinabayan ko din ng iyak ko.
Iyak na naman mukhang wala din kapaguran ang mata ko at ang dami luhang nilalabas
Di ko namalayan inabot na pala ako ng ilang oras na naka ganon. Kaya nakaramdam na ako nang lamig at panginginig., Kaya tumayo at nagmadaling kong kinuha ang tuwalya at pinulupot iyon sa buo kong katawan. Manginig nginig na lumabas ng banyo.
Nagulat pa ako nang biglang mag ring ang cellphone ko pagkakuha ko nakita si Ma'am Esme pala ang tumatawag
"He-Hello Ma'am Esme" pilit kong pinapakalma ng banggang ko dahil sa panginginig baka mautal utal ako
"Okay ka lang ba hija?" ngunit parang manghuhula talaga itong si Ma'am
"O-po M-a'am" nautal pa nga
"Ba't parang di ka ata okay sa boses mo palang?" sabi ko sa inyo eh manghuhula talaga tong si Maam
"Hindi po o-okay lang po ako, sinisipon po kasi ako Ma'am" nagkunwari pa akong sisinghot singhot pero mukang don na din babagsak dahil sa pag babad ko
"Okay., Sige., kaya din ako tumawag sayo hija dahil si Marco na muna ang magbabantay sa akin at para na din makapag usap kaming dalawa tungkol sa kasal niyo at mapag usapan din namin ang pag uwi niyong dalawa sa probinsya niyo upang masundo niyo ang tatay at kapatid mo" tuloy tuloy na sabi ni Ma'am ngunit may bigla akong nabingi sa dulo nang sinabi niya
"Po?!! ano po ulit"
"Uuwi kaung dalawa ni Marco sa inyo"
Oo nga pala nabanggit niya din ang pag uwi namin ni Sir Marco sa amin tong nakaraan lang.
Nasapo ko na lang ang noo ko hinimas himas iyon.,Nakalimutan ko na agad
"Ka-aylan po?"
Naku po naman talaga" bigla na naman kasi pumasok sa isip ko ung kagabi., Mukhang galit na Dragon na nga yun kagabiq "Ta's makakasama ko pa pag uwi sa amin"
"Iyon pa ang iaalam ko sa kanya mamaya kung kaylan siya pwede" biglang sabi ni ma'am
"Pero mas gusto ko madaliin niyo na pag uwi sa inyo-"
"Ma'am pwede naman na po ako na lang po ang susundo kila tatay"
"Hindi pwede!! dapat sumunod tayo sa tradisyon niyo"
Oo nga pala tradisyon kasi sa amin ang pagsusuyo ng pamilya ng lalaki sa pamilya ng babae may mga dala pa ng kung ano ano, alak, prutas at ung iba naman kalabaw at baboy.,
Pero para lang naman iyon sa mga umiibig mag partner ehh" sa isip ko pa
"Hindi na nga ako makakasama sa inyo., Kaya kayong dalawa na lang, dito na lang kami mag usap ng tatay mo"
Naku kung alam mo lang po talaga Ma'am Esme kung gaano na ako natatakot sa anak niyo, bigla naman ako nakaramdam ng kaba.
"Sige po Ma'am" pero nanaig parin ang pagigng masunurin ko
"Good' magpahinga ka na muna then tawag na lang ako ulit sayo"
"Sige po Ma'am Bye po"
At hinang up niya na din ang tawag saka ako nagpakawala ng malakas na buntong hininga.
Nang e che-Check ko sana kung anong oras na.
Napakunot noo pa ako ng may masilan pa ako na 3 message's napabuntong hininga ako
"Si Leo"
"Good morning:)"
"Busy ka ba?"
"Sunduin kita diyan sabay na tayo punta kay Tita Esme"
Pero isa lang talaga ang inaasahan kung tumawag o message man lang., walang iba kundi si Carla
Kamusta na kaya iyon di niya ba ako namimiss? parang nakalimutan niya na ako. Biglang may lungkot na naman akong naramdaman.
Bigla na naman ulit tumunog ang cellphone ko akala ko si Ma'am Esme ulit ang tumatawag ngunit pag tingin ko Si Leo pala.
"Hello"
"Dito na ako sa tapat ng apartment mo"
"Ha?!!" bigla naman akong nataranta
"HAHAH' oo nga dito na ako sa tapat bilis pinag titinginan na ako dito., nakakita kasi ng gwapo hahaha" nakuha pa ngang mag biro
"We-wait lang, bibihis lang ako"
"Naku naman talaga, isa pa ito' isa pa tong pasaway eh"
Dagli na nga ako nagbihis. Nag longsleve ako para di niya makita ang mga kalmot at pasa ko pero sabagay iyon naman talaga palagi ang fashion ko este sinusuot.
Tumingin pa ako sa salamin para e check ang itsura ko.Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong namumugto pa ang mga ito.
"Naku po! mapapansin niya kaya ito" kinuha ko na lang ang makapal kong salamin at sinuot iyon
Che-neck ko ulit ganon parin, pansin parin.
"Hayss! bahala na nga!" at nagmadali na akong lumabas nandon na nga siya nakatayo sa tabi ng sasakyan niya.Lumingat pa ako sa paligid namin, totoo nga pinagtitingan siya. May mga estudyante din na halos kinikilig pa habang naka tingin tong mga ito sa kaniya.
Napailing iling na lang ako sa kaniya kasi habang papalapit ako dito nag pose pa ito nang pa simple na pogi pose.
"Hay! naku! Leo iba ka talaga! hahaha!" sabi ko dito,.
Natawa na lang din ito