Chapter SEVEN
Lexien POV;
Pagpasok namin, ako agad ang tinawag ni ma'am Esme kaya napalingon ako kay sir Marco na blanko lang mukhang nakatitig sa mommy niya.. "kala ko mag ala tigre na naman eh dahil ako yong tinawag imbes na siya".
"Lexien?" tawag niya sa akin
"P-po?" nauutal ako kasi feeling ko silang tatlo nakatingin na din sa akin nung pagtawag sa akin ni ma'am
"Come here" mahinang boses na wika nito, kaya humakbang na ako palapit sa kaniya
"Ma'am kamusta na po pakiramdam niyo?" pagalala kong tanong sa kaniya at dahan dahan kong hinawakan ang kanan kamay niya
"Im okay now" sagot nito at tumingin sa may bandang gilid ko na nasa tabi ko na din pala si sir Marco,
"Why are you still here?!" may pagkadiin na tanong ni ma'am kay Sir Marco
Rinig na rinig ko ang pagbuntong hininga niya
"Mom?" tawag niya, ngunit inirapan lang siya nito
"What now Marco?!"
"Im...," bumuntong hininga muna ito "I-im sorry" yumukong sabi nito
"Siguro naman tatanda ka na Marco nang dahil sayo-"
"Hi tita nandito po kami ni Aaron hhm..,'' at kumaway pa,.. inagaw na agad ni sir Leo ang eksena nilang mag ina, kaya lumapit ito sa amin tinapik si sir Marco sa balikat at nag sign ng 'zipper bibig' walang nagawa si Sir Marco kaya lumipat sa may likuran ni sir Leo, kaya ito naman ang tumabi sa amin
"hays salamat naman at nakinig, baka saan na naman mapunta ang pag uusap nilang dalawa kapag sumagot pa si sir Marco eh" sa isip ko
"Tita wag kana muna pong magdadaldal baka mapaano ka pa po ulit eh sige kayo masisira beauty niyo" kahit si Marco nagulat sa sinabi ni sir Leo kaya tumingin ito sa kanya na parang kulang na lang batukan siya nito
May pagkamakulit din talaga kasi si Sir Leo siya yong tipong magiging close mo na agad di ka maiilang na kausap siya dahil mapagbiro di tulad ni sir Aaron seryosong seryoso parehong gwapo ngunit mas gwapo para sa akin si Sir Marco.
Bahagyang natawa na lang si Ma'am Esme at napakunot noong nakatitig sa akin
"You look so tired na Lexien, umuwi kana muna para makapagpahinga, sige na"
"O-opo ma'am"
"By the way, wag kana munang pumasok sa opisina hanggat hindi pa ako nakaka recover"
"Po?..kaso po ma'am hindi pa po ako tapos sa mga papeles na kailangan niyo po this week" may panibago na naman kasing sila kuntrata isa sa mga kasusyo nila.
"Let Marco do that"
"What??!" biglang tanong ni Sir Marco
Pati din sila Sir Aaron at Sir Leo halatang nagulat din sa sinabi ni Ma'am Esme.
"Why Marco, may reklamo ka?!" pinandilatan niya pa ito ng mata
"But Mom i have my own business and-
"Ahh business mo na pala ang paglalasing at mag mukmok sa condo mo"
"But Mom?...
"It's your time to be part and be responsible for our company.. hindi yong paglalasing ang ginagawa mo.. So please stop ruin your life just because of that woman!!"
"Jusko po ayan na naman po sila" nakita ko pang napatiim bagang pa si sir Marco magsasalita pa sana ito ngunit bigla ulit umawat si sir Leo at umiling ito sa kanya
"M-ma'am uwi na po ako" singit ko na din nautal pa nga
"Marco ihatid mo siya"
"What?!"
"Po?!" sabay pa kami
"Naku wag na po ma'am" ngunit di niya ako pinansin
"I said.. take Lexien to her apartment.. Can you?!!"
Napalunok na lang din ako sa sinabi niyang may pagdiin pa ng boses. "Naku po parang na double kill ka ngayon Sir Marco ng Mommy mo ah ." sa isip ko'
"Oo nga dude hatid mo na siya mahirap na maghanap ng masasakyan dahil dis oras na ng gabi, kami na bahala dito" wika naman ni sir Aaron na biglang tingin din sa kanya ni si Sir Marco na parang "isa ka pa" Look.
At ito na naman ang titig niyang nakakatunaw kinakilabutan na naman tuloy ako naalala ko na naman tuloy nung gabing pumunta siya sa office na halos luluwa na ng apoy ang mga mata niya sa galit kinabahan ako bigla "pero ang gwapo niya parin talaga" landi pa ng isipan ko
"Ano pa tinutunganga mo diyan?!!"
"Sige na hija"
Bahagyang tumango na lang ako at sumunod na din kay sir Marco na nakalabas na ng silid
"Bye ingat kayo" narinig ko pang sabi ni sir Leo
Pagkarating namin sa parking lot napamangha ako..."Nakss naka sport car ang ganda" hanga ko pa lalo nung umilaw ito sabay pinatunog gamit ang susi ng kotse niya
"Tssk!!.. Ano?! tatayo ka na lang ba diyan?"
"Ay masungit na palaka!!" napatakip ako ng bibig ko sa gulat ko't nabigaks ko iyon
"What did just say? repeat it!" naningkit pa nga'
"W-wala po sir"
"Tssk!! Sumakay kana at samahan mo ng bilis pwede!!
"apaka sungit talaga nito"
"O-opo sir" at agad agad na akong sumakay
Maya maya pagkaupo ko at sinara na ang pinto ng kotse., inabot sa akin ang cellphone niya na pinagtaka ko naman
"Your location..stupid!!"
"Aray naman" sa isip ko.. nung kinuha ko na ang cellphone niya ng napakunot noo ako "oo nga pala diko alam yong address ng aparment ko" napahilot noo ako inisip kung ano address nga
"Why nerd?..you dont know how to use those apps" nag smirk pa nga
"A-ano po kasi sir diko po maalala yong address namin" nahihiyang napakamot batok na lang ako
"So? manghuhula pa pala ako kung saan lupalop kita ihahatid"
"S-sorry po sir ngayon lang po kasi ako di nag commute" malumanay na nakayukong sabi dito
"Buti nakakauwi ka pa sa inyo kahit di mo alam ang address niyo"
"Wait lang po..tatawagan ko po yong kaibigan ko" sabay kalikot ko sa cellphone ko ayon na nag ri-ring na "please carla sagutin mo" natupad naman agad ang dasal ko "thanks god"
"Hello Lexien bakit?" boses na parang kakagising lang
"Sorry na istorbo kita ha, ano kasi.. tatanong ko lang sana kong anong address natin hehe"
"OMG Lexien pati ba naman address natin nakalimutan mo na"
"Sorry po' nakalimutan ko kasi yung bag ko sa office nandoon yong mga ID ko, tanging cellphone at folder lang ang nadala ko nung sinugod namin sa ospital si ma'am" paliwanag ko dito at palihim akong lumingon kay Sir Marco na naka fucos sa pagmamaneho..
Rinig ko pa ang pag buntong hininga niya
"Siya sige text ko na lang sayo para may kodego ka na kapag naiwan mo ulit yang ID o bag mo kung saan" may pagdiin pang sabi nito
"Opo...sorry po ulit at thank you ba bye na" at binaba ko na yong tawag. Mga ilang minuto lang tumunog ang cellphone ko pagkatingin ko may message na ni Carla "ito na yong address" at tinype ko na sa cellphone ni sir Marco sa Waze App niya..
"S-sir ito na po" at nilagay ko na sa may bandang dashbored yong cellphone niya
Hindi ito lumingon, sa halip naka focus lang sa pagmamaneho kaya chance ko na'to para titigan siya "ang gwapo niya talaga, infairness yong awra niya ngayon ibang iba nung nakaraan na halos kainin na ako ng buhay"
Nakakapagtaka lang nagawa pa siyang iwan ni Ma'am Natalie na halos na kay sir na lahat, wala na siyang ibang hihilingin pa at sobrang mahal naman siya nito perfect match na nga kumbaga.
"Injoying the view ha?... "
Nagulantang ako ng bigla siyang magsalita..
pagkabigla ko lalo nung binalingan niya ako ng tingin na nakangisi pa, pero mabilis lang at nag focus na siya ulit sa pag mamaneho..
napalunok na lang ako ng laway ko grabi parang sasabog dibdib ko sa bilis ng t***k nito.
Mag Iisang oras na byahe nandito na kami sa tapat ng apartment ko
"Thank you po ulit sir" sabi ko bago ako bumaba
Wala paring imik na pinaharurot nito ang sasakyan "ang angas naman ng tunog non..sabagay maangas din yong may ari ehh .." napapailing na lang akong pumasok sa apartment ko