"Ano na naman ginagawa mo dito Ninong?" Tanong ko dito dahil nandito na naman ito ngayon sa harap ng bahay namin. "Stephanie anak ko ba si baby Zoey?" Tanong pa nito na halos araw-araw nalang ay ito ang itinatanong nito sa akin. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi mo s'ya anak,Anak namin s'ya ni Blake!" Sagot ko dito. "Hindi ko kailanman tatanggapin ang sagot muna yan sa akin Stephanie,dahil kitang-kita naman kung kanino s'ya nagmana." Sabi pa nito. "Ninong please,tigilan muna ako at isa pa ay hindi ka ba napapagod magpabalik-balik dito sa bahay." Sabi ko dito na nakikiusap na dahil araw araw ay ganito ang sistema namin. "Hindi ako titigil hangga't hindi ka tuluyan na bumabalik sa akin Amirah, dahil ako naman talaga ang ama ni Zoey at hindi ang lalaking iyon." Sabi pa nito n

