Habang hinihintay ko ang pagtawag ulit ni Maliyah sa akin ay naisipan kong maligo na din dahil sa puro laway ang aking braso napapaisip tuloy ako kung ito ba ang nilalaplap ko ng halik kanina. "Grabe ka na self!" Napapasabi na lamang ako sa aking sarili. Habang nasa banyo ako ay nilinis ko ng mabuti ang aking sarili dahil amoy laway ako. Ganito na ang epekto sa akin ni Ninong eh! Nang matapos akong maligo at makapagbihis ay nag-abang na ako sa may pintuan dahil excited na talaga akong malaman kung ano ba ang nangyari. Hanggang sa marinig ko na ang busser. Agad ko itong binuksan at nakangiti na bumungad sa akin ang bestfriend ko. "Grabe Steph, d'yan ka na ba tumambay sa may likod ng pinto at ang bilis mong nabuksan ang pinto?" Tanong pa nito sa akin habang naglalakad papasok sa loob

