Nang matapos itong makapagluto ay agad na kaming kumain. "Besh kinakabahan ako." Sabi nito na ikinatitig ko sa kan'ya. "Kung nagdadalawang isip ka ay pwede mo naman na h'wag ng ituloy o kung itutuloy mo man ay ang dating mukha mo na lamang ang ipaayos natin "Sabi ko dito. "Hindi pwedeng hindi ko ituloy ito Besh,dahil unang-una ay kailangan na makapasok ako sa mansion ng mga Zamora ng hindi sila nakakahalata na ako nga ito.Gusto ko ay paglaruan naman sila kagaya ng ginawa nila sa akin na pinagmukha nila akong tanga dahil lamang sa mga kakatihan ng katawan nila.Gusto ko na maranasan nila kung paano ang lokohin at pagmukhain na tanga." Sabi pa nito na tumutulo na naman ang kan'yang mga luha. Agad naman akong tumayo mula sa aking pagkakaupo at niyakap ito ng mahigpit. "Besh tahan na, laha

