CHAPTER 9

2052 Words

NAKATITIG SI Charlotte sa mocha cake na nasa harapan habang nilalaro gamit ang tinidor ng icing sa paligid nito nang maramdaman ang pagsiko ni Ailla. Nasa mall sila ngayon na magkakaibigan dahil bibili sila ng ticket para sa concert ng SEVENTEEN. Maaga pa sila kaya naman naisipan muna nilang kumain sa isang coffee shop. Nagtataka siyang tumingin sa kabilang may magandang mapupungay na mga mata at makapal na pilik-mata. "B-bakit?" Umirap ito saka nangalumbaba. Tiningnan siya nito nang seryoso. Hindi naman niya iyon matagalan kaya umiwas siya ng tingin. Muli niyang nilaro ang icing. Napalingon naman siya agad kay Marchie nang maramdaman niya ang pagsipa nito nang mahina sa kaniyang binti sa ilalim ng lamesa. "Ano?" Kunot ang noong tanong niya saka binigyan ng mapaningkit na tingin ito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD