CHAPTER 7

2164 Words

MASAYA ANG DADDY ni Charlotte nang makauwi ito sa ancestral house. Niyakap nito agad ang asawa at pati na rin siya. Kahit wala pa silang ideya ng mommy niya ay nahawaan na sila ng saya nito at napangiti na rin sila. "Anong nangyari? Mukhang masaya ka yata?" tanong ng kaniyang ina. "Oo. Nakipag-deal na sa akin ang owner ng lupang gusto kong tayuan ng bagong branch ng restaurant natin dito. Yes!" Muli nitong niyakap ang asawa. "Talaga!? Magandang balita nga iyan!" Nanlaki pa ang mga mata ng mommy niya at hinagkan sa labi ang esposo. "Congrats, daddy!" Hinarap siya nito. "Salamat, anak. Para sa future mo ito. Alam ko na mahilig ka magluto at ito ang passion mo." Gumanti si Charlotte ng yakap dito sa ama nang yakapin siya. "Thank you, daddy." Pumalakpak pa siya sa tuwa. "Congrats, tito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD