(Ang malupit na plano) "Six o'clock in the morning, tingin ko sa watch na nasa maliit na table, bumaling din ako sa katabi ko at nakikita kong natutulog pa ito at nakayakap sa akin. Nag-sink in sa utak ko ang akin plano, gumalaw ako at dahan-dahan ko itong itinihaya at itinaas ang dalawang kamay sa ulunan nito. "Ano'ng ginagawa mo honey?" bigla akong tumingin sa nagsalita at napansin kong gising na si Harris. Nakakunot ang noo nito at may pagtataka rin sa mukha ng binata. "Aaahhh...eeeehhh, babangon na sana ako, inaayos lamang kita nang higa Mister," malupit na palusot ko. Mabilis naman akong tumayo upang magpunta sa CR, nakakainis ang bilis naman magising noon. Ganoon siguro kapag Mafia Lord. Dumating ang tanghalian, pansin kong hindi aalis si Harris. Lalo na at niyaya ako papunta s

