Napag-alaman kong dito rin sila nakatira sa lupain ni Harris, at ang mga magulang nila ay nagtatrabaho dito. "Ate Abe, 'di ba ikaw iyong kasama ni Lord Harris na babae? Hindi kaya magalit si Lord, dahil sumama ka sa amin dito sa ilog?" tanong sa akin ni Ika. "Hindi iyon magagalit dahil maid lang ako sa bahay ni Lord Harris, ang totoo nga pinapalayas na niya ako. Dahil lahat daw kasi nang ginagawa ko ay palpak," malungkot kong sabi sa mga ito. "Saan ka ngayon pupunta ate Abe?" tanong ni Ika. "Hindi ko pa alam kung saan ako pupunta. Bahala na, mamaya ko na lamang iisipin kung saan ako pupunta ang mahalaga ay mag-eenjoy mo na akong maligo rito sa ilog," wika ko sa mga ito. Hindi lang kami ang naliligo sa ilog na ito at karamihan ay mga kabataan ang kasama ko, umupo mo na ako sa isang ma

