"Ooohh! Mrs Martin, bakit hindi maipinta ang mukha mo?" tanong sa akin ni Pam." "Wala naman, hindi lang maganda ang gising ko," sagot ko rito. "Si Lord, tulog pa ba Mrs Martin? Dumating na kasi ang hinitintay niyang bisita," wika ni Pam." Tumingin ako sa likod nito at nakita ko ang magandang babae sa likod nito, nakangiti ito sa akin at mukha naman mabait. "Puntahan na lang ninyo sa kwarto," wika ko sa mga ito at lumampas. Mabuti na lang tumigil na ang ulan, kaya nakalabas ako upang pumunta sa harden, gusto ko mo ng mag isip. Ngunit hindi pa ako nakakatagal sa pagkakaupo ng tumatak na naman ang ulan, nakakainis naman. Papasok na sana ulit ako sa kabahayan, nang nakita kong nagtatawanan si Harris at ang babaeng kasama nito, kaya umurong ako at salikod na lang daraan, bahala ng mabasa

