Blue’s Point of View “Wala naman kaming ibang pupuntahan at ibang magawa,” ang komento ni Aravind bago naupo sa gilid ng kama niya. Siguro ay oras na rin para malaman nila ang tunay na kulay ni Dimitri Ivanov. “Sandali lang, ganoo ka ba katagal sa mga mundo ng mga normal?” Napaisip naman ako. Gaano katagal nga ba ako roon? At sa kaharian ng Koralya? “Tatlong araw… siguro,” ang hindi ko siguradong sagot. “Tatlong araw?” ang nagtatakang pag-uulit ni Faust. “Anong ginagawa mo sa mundo ng mga normal ng tatlong araw? Ang alam ko lang ay tatawid ka sa mundo ng mga mortal para kunin ang tinutukoy mong itim na kuwaderno.” “Tama ka,” ang pagkumpirma ko. “At nahanap ko nga ang itim ana kuwadernong ‘yon sa tahanan namin ng mga tiya ko. Hindi ako nakabalik kaagad dahil may gumamit ng mahika sa ba

