Ikalabing Tatlumpu’t Apat na Kabanata

1615 Words
Blue’s Point of View “Madali na lang ito para sa atin.” Napangiti naman si Alon bago sumugod sa mga shokoy. Kaagad naman akong sumunod. Nagsimula naman akong lumaban gamit ang aking nakuhang kakayahan mula sa medalyon na binigay sa akin ni Alon at ang mga natutunan kong sumpa at enkantasyon mula sa Occulus. Tulad ng aming unanag ginawa ay gumawa si Alon ng mga bula upang huliin ang mga shokoy samantalang daang-daang sibat na yelo naman ang aking ginawa. Nang makulong ang mga shokoy sa bitag ni alon ay pinaulanan ko sila ng mga sibat. Sa pagputok ng mga bula ay siyang paglubog ng mga walang buhay na shokoy patungo sa ilalim ng karagatan.   “Pinunong Alon,” ang pagtawag sa kanya ni isang tinig. Napalingon naman kaming dalawa. “Onda!” ang bulalas ni Alon nang makita ang kapatid. “Ikinagagalak ko na ako walang nangyari sa’yong masama.” “Gayundin ang aking nararamdaman,” ang tugon naman ni Onda bago sila magyakapan. “Mabuti na lang at ligtas ka rin.” “Salamat dahil kasama ko si Blue,” ang wika anamn niya. “Kumbinsido na ako na siya nga ang susunod na Punong Pinuno ng mga mangkukulam.” Napangiti naman ako sa aking narinig pero hindi pa tapos ang aming pakikmipagdigmaan sa mga nilalang ng kadiliman. Napatingin naman kami nang makita ang pasunod na hukbo ng mga shokoy. “Sila ang huling hukbo ng mga shokoy na kailangan nating kalabanin,” ang balita ni Onda. Kapwa naman kami napatango ni Alon. Pinagmasdan namin ang hukbo ng shokoy na papalapit sa amin. Ang ilan sa kanila ay nakasakay sa mga pating at nakahawak ng mga salapang. “Isang bagay lang ang pinagtatakahan ko,” ang pagpapatuloy ni Onda. “Hindi ko pa namamataan kahit minsan ang kanilang mga pinuno.” “Kung ang magkapatid na Prinsipe ang tinutukoy mo, hindi mo na sila makikita pa,” ang komento ko naman.  Napatingin naman sa akin si Onda. “A-anong ibig mong sabihin?” ang nagtataka naman niyang tanong sa akin. “Natalo ko na sila,” ang saad ko bago lumango paharap. Gumawa naman akon g mga yelong sibat at itinutok ang mga talim sa hukbong papalapit. Hindi nagtagal ay inasinta ko sila ng mga sibat ngunit madali nila itong napagilan gamit ang kanilang mga kalasag. “Mukhang mas mahihirapan tayo sa hukbong ito,” ang wika ni Alon. “Hindi ito ang tamang oras upang panghinaan ka ng loob, Alon,” ang komento ko naman. “Makakahanap tayo ng paraan upang mawasak ang kanilang depensa.” Sa totoo lang ay mas madali siguro para sa amin kung sa lupa nagaganap ang digmaan. Nasa lugar kami kung saan madali silang makakakilos at magagamit ang paligid laban sa amin. Ngunit tulad ng sinabi ko ay hindi ito ang tamang oras para panaghinaan ng loob. Ang tanging magagawa na lamang namin ay ang lumaban at maghanap ng paraan upang sugpuin ang daan-daan pang shokoy. “Anong dapat nating gawin?” ang nag-alalang tanong ni Onda na siya ko namang iniisip ngayon lang. Ano nga ba ang maggawa namin upang sugpuin sila? Maaari ko silang gamitan ng Lux Angelus ngunit kinakailangan ko ng sapat na oras para gawin ang ritwal. Bukod pa roon ay kailangan ko ring sigaruduhin na walang kataw, sireno o siren ana madadamay sa paggamit ko ng sumpa. Pero paano? Bahala na. Napatingin ako sa paligid? Mayroon naman sigurong makakatulong sa akin sa pakikipaglaban. Napatingin naman ako nang magsimulang sumugod ang mga shokoy. “Repertum,” ang bulong ko. Isa itong sumpa na magb ibigay sa akin mng kakayahan upang kontrolin ang mga hayop gamit ang aking isipan. Tama, isa ito sa mga kakayahan ng mga miyembro ng Tipan ng Sekretong Hardin. Ang deperensya lamang ay hindi na nila kailangang banggitin pa ang enkantasyon at mas maraming hayop ang kaya nilang kontrolin nang sabay-sabay. Hindi ko sigurado kung makakaya kong kontrolijn lahat ng mga pating na kanilang sinasakyan. Nagsimula anmang magpumiglas ang mga pating at lumanago nang kay bilis palayo sa grupo ng mga sundalong shokoy. Kahit na naguguluhan sa nangyayari ay hindi anman nagpatinag ang iba sa kanila at pinagpatuloy ang pagsugod sa amin. “Sugod!” ang sigaw naman ni Alon kasunod ng pagsalubong ng kanyang sariling hukbo sa mga kalaban. Ipinagpatuloy ko naman ang pagkontrol sa mga pating sa bandang likuran. Hindi ko naman kaaagad napagtanto na napansin nan ga ng mga shokoy nan minamanipula ko ang mga pating. May ilan sa kanila na sinugod ako at pinatamaan ng hawak nilang kalasag. Nakaramdam naman ako ng hilo. Dahan-dahan akong lumulubog hanggang sa may maramdaman akong kakaibang sensasyon sa aking likuran. Napamulat ako at napatingin sa paligid, mga higanteng damong-dagat! Naka-isip naman ako ng ideya upang magawa ko ang plinaplano kong muling paggamit ng Lux Angelum. “Lux Sphera,” ang pagbanggit ko ng enkantasyon. Sunod-sunod namang nagsilabasan ang mga bola ng liwanag mula sa aking mga kamay. Pinalipad ko ang mga ito patungo sa iba’t-ibang bahagi sa lugar kung saan naglalaban-laban ang lahat upang muling magawa ang mapa ng mga bituin nan kailangan sa ritwal. Ilang minuto kong ginawa ito. Nakatulong naman ang mga higanteng damong-dagat sa aking pagtatago. Handa na akong muling gawin ang sinaunang mahika ng Tipan ng Sagradong Buwan. “Situci septrentrinali, Ursa Major, Temo.” May nagliwanag sa hilagang parte at tanaw ko ang liwanag mula sa aking kinalalagyan. “Malidonalum siderum, Crux.” Nagliwanag naman ang timog. “Orientalricu constel, Orion, Venatoris.” Nagliwanag naman ang silangan. “Sidus Caelum Occidi, Hydrus, Aqua Serpentum.” At panghuli ay nagliwanag naman ang kanluran. Sa bawat pagtawag ko ng konstelasyon ay ang siyang pagliwanag ng mga bumubuong liwanag sa ilalim ng karagatan. “Situci septrentrinali, Ursa Major, Temo. Malidonalum siderum, Crux. Orientalricu constel, Orion, Venatoris. Sidus Caelum Occidi, Hydrus, Aqua Serpentum.”  Mas lalo namang nagliwanag ang mga direction ng liwanag. Panigurado kong sa pagkakataong ito ay napansin na ng lahat ang nagaganap. Mas narinig ko ang pagkakagulo ng mga nilalang sa aking taas. Dahan-dahan naman akong nagpalutang hanggang sa makita ako ng lahat. Natigilan sila at pinagmasdan ako. “Nesphetum Pronthe,” ang usal kong sunod. Nagsimula namang manginig ang mga damong-dagat. Gumalaw ang mga ito at humahaba. Nagsimula namang lumangoy palayo ang mga shokoy upang makaiwas sa mga biglaang pagkabuahy ng halamang-dagat. Ngunit hindi naman sila ang aking inaasinta. Pumulupot naman ang mga damong-dagat sa mga kataw, sireno at sirena. Hinila naman sila pababa. Rinig ko ang mga sigaw nila. “Blue!” ang pagtawag ni Alon na pilit na tumatakas. “Anong ibig sabihin nito?!” Hindi ko naman siya pinansin at pinagpatuloy ko ang ritwal. Mula sa aking kilalagyan ay tanaw ko ang mga liwanag na sumasagisag sa apat na konstelasyong aking binanggit kanina. “Orras na,” ang saad ko habang nakamasid sa mga kalaban na natigilan sa nangyari. “Sugurin siya!” ang sigaw ng isa sa mga shokoy.  “Plein luna noctturom.” Nagsimulang magsiliparan ang mga bola ng liwanag patungo sa aking likuran. Nagsanib-sabnib ang mga bola ng liwanag hanggang sa maging isa na itong buong bola ng liwanag na parang isang kabilugan ng buwan. “Sugod!” ang sabay-sabay na sigaw ng mga shokoy habang palangoy patungo sa aking direksyon. “Coreletus Iodimium,”ang pagpapatuloy ko sa aking enkantasyon. Ang buwan sa aking likuran ay nahati sa dalawa. Lumipad naman patungo sa akin ang dalawang malaking bola ng liwanag at binalot ako nito. Sa sobrang liwanag ay napapikit naman ako. Unti-unting humupa ang liwanag kaya naman minulat ko ang aking mga mata. May sanhi ng liwanag sa aking magkabilaan kaya naman kaagad akong napatingin. Nagbagong-anyo ang mga bolo ng liwanag at naging mga hugis pakpak at nakadikit sa aking likuran. Nagkaroon ulit ng mga kakaibang marka sa aking kanang braso. Handa na ako sa panghuling enkantasyon ng ritwal. Natigilan ang mga shokoy at pinagmasdan ang pakpak ng liwanag sa aking likuran. Ang pakpak na kahit na anong ganda ay magiging sanhi ng kanilang kamatayan.  Kailangan ko nang tapusin ito upang makabalik na ako sa Occulus at makatulong sa digmaan sa pagitan ng mga mangkukulam at ni Rosa. Papasugod na nga ang hukbo ng mga shokoy nang mapagtant ang aking nais gawin. “Lux Angelum!” Muling tumindi ang liwanag na inilalabas ng mga pakpak. Lumaki naman ang mga ito at nagsara. Binalutan nito ang mga shokoy. Hindi naman nagtagal ay nagbukas ang mga pakpak at dahan-dahang bumalik sa dati nilang anyo bago tuluyang naglaho. Tulad ng aking inasahan ay naglaho ang daang-daang shokoy gayun din ang mga kasama nilang pating. “Libera,” ang saad ko kasunod ng pagpapakawala ng mga damong-dagat sa mga kataw, sirena at sireno. Mabilis namang lumanyo patungo sa akin sila Onda at Alon. “A-anong nangyari? Anong ginawa mo?” ang nagtatakang tanong ni Alon habang nakamasid sa paligid at sinubukang maghanap ng bakas ng mga shokoy. “Ginamit ko ang isa sa mga sinaunang sumpa ng Tipan ng Sagradong Buwan, ang Lux Angelum,” ang paliwanag ko naman. “Isa kang kamangha-mangha at napakamakapangyarihang mangkukulam,” ang puri naman ni Onda. “Salamat kay Amanikable!” “Amanikable?” ang nagtataka ko namang pag-uulit. “Siya ang Diyos ng karagatan,” ang paliwanag naman ni Alon. “Blue, maraming salamat sa pagtulong mo sa aming mga nilalang ng karagatan laban sa mga shokoy na ‘yon.” “Matagal na ba nila ayong inaatake?” ang tanong ko naman. “Matagal-tagal na rin,” ang saad ni Onda. “Halina’t magbalik na muna sa palasyo,” wika ni Alon. “Onda, tignan mo ang mga sugatan nating kasamahan at siguraduhin mong sila ay mabibigyan ng panlunas.”    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD