--------- ***Melody's POV*** - Nagising ako pero pagod na pagod pa ako at inaantok kaya hindi ko muna kayang ibuka ang talukap ng mga mata ko. Ewan ko pero ang sakit ng katawan lalo na ang gitnang bahagi ko. Hindi ko din kayang ipaliwanang ang pananakit ng ulo ko. Inalala ko ang nangyari kagabi, sa pagkaalala ko, pinuntahan ako ni Melany sa maliit na apartment ko dahil may party daw syang pupuntahan, birthday daw ng isa nyang kaibigan. Hindi daw nya kayang pumuntang mag- isa kasi natatakot sya at hindi sya sanay dahil sa isang bar gaganapin ang party. Para pagbigyan ang kakambal ko kaya umabsent ako sa trabaho ko sa coffee shop para lang samahan ito. Hindi ko na alam ang nangyari, nagpaalam lang sa akin sandali si Melany, tapos lumapit sa akin ang mga kaibigan nito, pilit akong pinainom

