------- ***Melody's POV*** - "Ang kapal din ng mukha mo para magbigay ng kondisyon sa akin. Ikaw itong may kasalanan sa akin. Wala kang karapatan para humingi ng kahit ano sa akin." ani ko kay Denver sa nanggagalaiting tinig. Tumitig muna sya sa akin, at napabuntong- hininga sya kalaunan. "Gusto ko man ibalik sayo agad si Dexter pero hindi pwede. Hindi ka na nya kilala. H- Hindi sya sasama sayo. M- Masasaktan lang sya." Para akong apoy na binuhusan ng malamig ng tubig sa narinig ko sa kanya. Tama naman sya. Hindi na ako kilala ng anak ko. Pati pagmamahal ni Dexter sa akin ay tuluyan na rin nilang ninakaw. Masakit na katotohanan pero kailangan kong ipasok sa isip ko. Hindi pala ganun kadaling kunin ang anak ko. Pinunasan ko ang luha at matalim pa rin ang titig ko kay Denver. "Oo. H

