------ ***Third Person's POV*** - "Goodmorning nanay and Alexis." masayang bati ni Cherry sa dalawa nang naabutan nya ang mga ito sa may kusina. Pinapainom ng nanay ni Draeven ng gatas ang apo, habang nagluluto naman ng agahan ang kusinera. Desidido talaga sya na hulihin ang loob ng mga ito kaya umaga palang ay nandito na sya para dalhan ng breakfast ang mga ito. Hindi naman talaga nya gusto ang mga ito, pero para kay Draeven, kailangan nyang magbait- baitan sa mga ito. Pero may araw din ang mga ito sa kanya pag mag- asawa na silang dalawa ni Draeven. Mahal nya si Draeven at siguraduhin nya na sa pagkakataon ito, matutuloy na ang ipinangakong kasal ni Draeven sa kanya noon. At ang sinisisi nya kung bakit hindi sya pinakasalan ni Draeven ay ang dalawang ito na kontrabida sa pagmamahal

