--------- ***Hera's POV*** - Pagkatapos kong itago ang gamot ko, napalingon ako muli kay Draeven. Hindi pa rin sya kumikilos at nanatili lang syang nakatitig sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit isang matinding lungkot at sakit ang nakikita ko sa mga mata nya. Bakit ba sya nagkaganito? Bakit ngayon lang? Ang mga kinikilos nya ay nagpapahirap sa kalooban ko. Handa na ako. Handa na ako na iwanan sya pero bakit pinapabigat nya ang loob ko. At nahihirapan tuloy ako kahit isipin lang na iiwan ko na sya. God knows kung gaano ko ipinagdarasal mula nung nalaman ko na may sakit ako na sana magiging masaya sya sa iba. Kung hindi si Cherry, ibang babae na mamahalin sya ng higit pa sa pagmamahal ko sa kanya, kung may makakahigit paman sa akin. And he will love her in return too. It is too

