------ ***Third Person's POV*** - Napatingin si Denver sa kapapasok lang na si Melody. Kunot- noo sya. Ngayon pa kasi ito dumating samantalang mas nauna itong umalis sa kanya kanina. Saan kaya ito galing? Dumaan kaya ito sa isa pa nilang anak? Sa pagkaalala nya, Deanne ang binanggit na pangalan nito kanina. O galing ito sa fiancee nito na si Garreth Saavedra? Gusto sana nyang tanungin ang asawa tungkol sa isa pa nilang anak pero hindi nya alam kung paano magsimula. Alam nyang galit pa rin ito sa kanya dahil sa nangyari kanina. Sinundan nya ito nang tingin na inilapag nito ang dalang bag sa mesa. Iba na ang damit na suot nito sa pagkaalala nyang suot nito nang umalis ito. "Denver!" anito nang napalingon ito sa kanya. Nakangiti itong humakbang palapit sa kanya, kaya napakunot- noo sya

