--------- ***Hera's POV*** - "Bella, what brought you here?" napatayo si Denver mula sa pagkakaupo nya sa swivel chair, humakbang sya para salubungin ako. Akmang dadampian nya ng halik ang labi ko pero iniwas ko ang mukha ko. Mula nang narinig ko ang rebelasyon ni lolo sa akin, pakiramdam ko, may hindi tama sa relasyon naming dalawa ni Denver. I am his brother's wife. Napakunot- noo naman sya sa ginawa ko. "W- What happened? Galit ka ba sa akin?" Pinuntahan ko sya sa opisina para masagot ang ilang sa mga katanungan ko. Hindi pa ako nakaalala. I didn't know anything about myself. Wala akong ideya kung sino si Hera. Hindi lang armas ang kailangan ko, kailangan ko din ng bala bago ako susuung sa laban. "Hinahalikan mo ba ako noon?" matalinghaga kong tanong sa kanya. Mas lalong kumun

