----- Note: Guys, ang sulat na binasa ni Hera sa last chapter, yan ang sulat na ipinabigay nya kay Draeven, hindi ko na inilagay ang lahat ng nakasulat kasi nasa Final Chapter yan ng book 1. Balikan nyo nalang kung interesado kayo. Thanks. ***Hera's POV*** - "Jeff---" agad kong sabi nang napagbuksan ako ng pinto ni Jeff. Pumunta ako kanina sa hospital para sana kausapin sya at nang malaman ko ang mga gusto kong malaman sa kanya. "H- Hera!" nanlaki ang mga mata ni Jeff, awang labi habang nakatingin sa akin. Alam kong nagulat sya dahilmsya mismo ang naglibing sa akin. "A- Ano? H- How come---- ikaw ba talaga yan Hera?" "Oo." Ngumiti ako sa kaibigan ko. Habang nakatingin ako sa kanya, naalala ako ng kasunduan naming dalawa. (Flashback) "Congratulations, you are pregnant to a twin."

