---------- ***Hera's POV*** - "I'm sorry sa naabutan mo, Hera. Hindi namin sinasadya ni Draeven, nadala lang kami sa damdamin naming dalawa. Hindi namin intensyon na pagtaksilan ka at saktan ang damdamin mo. Pero alam mo naman na mahal namin ang isa't- isa. At mahirap labanan ang damdamin iyon." si Cherry, namumula ang kanyang mga mata habang sinasabi ito sa akin. "Patawad Hera, maniwala ka na hindi namin sinasadya. I'm sorry!" nagsumamo ang titig nya sa akin. Dahil sa nakita ko kahapon, halos buong araw akong hindi lumalabas mula sa kwarto ko dahil sa kaiiyak ko. Masakit din sa akin ang isipin na parang wala lang kay Draeven ang naabutan ko. Hindi man lamang ito nabahala at hindi man lamang sinubukan nito ang magpaliwanag sa akin. Mas lalo lang ipinamukha ni Draeven sa akin na wala ak

