-------- ***Hera's POV*** - "Your mother died 2 months ago. She is suffering of alzheimer for 2 years before she died. Ang bunso mong kapatid ay nakatapos na sa pag- aaral, at nag- re- review na sya para sa board exam. Pareho nang professional sa larangan nila ang dalawa mong kapatid, they are successful at maganda ang naging buhay nila. Sa pagkakaalam ko, ikakasal na ang sumunod sayo sa susunod na taon." ani ko kay Cherry. Pagkatapos ng apat na taon, ngayon palang ako nakabisita sa kanya. Masyadong masakit ang mga nangyayari sa pagitan naming dalawa at hindi ko muna sya kayang makita. Sa pagkakaalam ko, hindi nya hinaharap ang kahit sino sa pamilya nya na bibisita sa kanya, hindi ko nga din ini- expect na haharapin nya ako. Hindi sya nagsasalita, nanatili lang syang nakatitig sa aki

