-------- ***Melody's POV*** - Nahinto ko ang kotse nang nasa labas na ako ng Saavedra mansion. May kung ano sa loob ko na hindi ko kayang ipaliwanag. At ngayon ko lang ito naramdaman mula nang nagkaroon ng kaguluhan ang isip ko. Alam kong kailangan ko nang aminin kay Denver ang tungkol sa pinakatago- tago kong sekreto. Ang totoong dahilan kung bakit umalis ako noon, at ang pinakadahilan din kong bakit hindi ako nakabalik agad para kay Dexter. Mula nung nadiskubre ni Denver na nagpa- inject ako para hindi ako mabuntis ay hindi na nya ako ginalawa. Pakiramdam ko nawalan na sya ng gana sa akin, hanggang sa nalaman nya na hindi ako si Melody nang na- hospital si Dexter at kailangan ko ang tulong nya dahil kailangan nito ng dugo nya. Sunod- sunod na ang mga pasakit na naranasan ko sa kanya

