--------- ***Hera's POV*** - Just like the seductive tone of the music, the dancers danced in seductive way too. Halos makapigil hininga ang galing ng tatlong lalaki na nagsasayaw sa harapan namin. Walang suot ang mga ito sa itaas na bahagi ng katawan, kaya kitang- kita talaga ang six packs abs ng mga ito. Tila uminit ang buong paligid dahil sa sobrang hot naman talaga tignan ng mga ito. Hindi naman magkamayaw ang limang kasama ko na sa pagsisigaw habang gumigiling ang tatlong lalaki sa harapan namin. Mga macho dancer ang mga ito na binayaran ng nag- organized ng party. Medyo lasing na rin ang ilang sa mga kasama ko, habang hindi na ako umiinom, tama na ang kagabi, baka ito pang alak ang ikamatay ko. Mabuti nalang at nakisabay sa akin ang katawan ko, wala kasi akong naramdamang kakaib

