------- ***Third Person's POV*** - Pakiramdam ni Rosie, para syang tinalikuran ng buong mundo sa nangyari sa kanya sa mga nakalipas na araw. Tatlong araw syang kinulong sa isang madilim na lugar at isang beses lang syang pinapakain sa isang araw ng kung sinong tumangay sa kanya. Pakiramdam nya, pinaparusahan sya ng sobra, idagdag pa na ang lugar na ginawang kulungan sa kanya ay ubod ng dilim at tuwing gabi kung ano't- ano naririnig nyang ingay kaya takot na takot sya. Pakiramdam nya, tinu- torture sya ng demonyong gumawa ng bagay na yon sa kanya. Awang- awa sya sa sarili nya. Pakiramdam nya, tumalikod na sa kanya ang buong mundo. Pakiramdam nya, pinagsakluban sya ng langit at lupa. Hindi nya deserve na maranasan ang ganun paghihirap. Bata palang sya ay tila sinasamba na sya ng lahat at

