---------- ***Hera's POV*** - "Teka, bakit mo inihinto ang kotse." tanong ko kay Myla nang inihinto nya ang kotse. Ime- meet namin ngayon si Atty. Flores para pag- usapan ang tungkol sa mga ari- arian na naiwan ko sa kung sino- sino. Si Denver ang nagpakilala sa akin kay Atty. Flores at ngayon nga mag- uusap kami tungkol sa napagkasunduan naming dalawa ni Atty. Flores noon, kung pwede ko pa bang mabawi ang mga ito. Isa lang naman talaga ang gusto kong bawiin at iyon ay ang jewelry shop ko. Pero, interesado din akong malaman kung ano ang status ng share ko sa kompanya ng lolo ko at ng lolo ni Draeven. Maliban sa ibang board directors, equal ang share naming dalawa ni Draeven doon. Kailangan kong paghandaan ang plano kong pag- alis kasama ang anak kong si Alexis. I have to be financiall

