-------- ***Third Person's POV*** - "God! What did I do?" frustrated na tanong ni Denver na sarili lang ang kinakausap. Frustrated syang napaupo sa executive chair nya dito sa opisina nya. Parang sirang plaka na pabalik- balik sa isip nya lahat ng naririnig nya kay Melody kanina. Ramdam na ramdam nya ang bigat ng kalooban nito. At ang bawat katagan na nanulas sa bibig nito ay parang patalim na itinusok sa puso nya. Nasasaktan sya! At mas lalo sya kinakain ng matinding pagsisisi. Napatayo sya at natagpuan nalang nya ang sarili na paulit- ulit na sinusuntok ang dingding. Namamasa na ang mga mata nya. Ang gago nya! Ano bang nagawa nya? Alam nyang masyado syang nagpadala sa galit nya. Hindi nya pinaniwalaan si Melody noon. He didn't investigate deeper. Nung may nakapagsabi sa kanya na

