-------- ***Melody's POV*** - Sa mga sumunod na araw, umuwi si boss Dylan dito sa Pilipinas at ang asawa nito na si maam Vienna, para sa dalawang rason. Kailangan ang desisyon ni boss Dylan sa kung anong parusa ang ipapataw kay Enrique, ito ang lalaking muntikan nang gumahasa sa akin noon at pumatay sa akin ngayon, nung inabangan kami nito ni boss Gunner. Aminado ako na nakagawa man sa akin ng kasamaan ito pero naintindihan ko ito at nakikiramay ako sa nangyari sa kapatid nito. Sa bandang huli, napagpasyahan muna na ikulong ito sa sariling kulungan ng mga Saavedra ng isang taon, at pag nagpapakita ito ng malaking pagbabago, dadalhin ito sa Saavedra Island para doon na ito manirahan. Walang makapagsabi kung kailan ito manirahan sa Saavedra Island, nakadepende ito sa kung ano ang maging b

