Chapter 7

4928 Words
Sarah Lopez PoV Pagkagising ko ay tumayo na'ko at tinignan kung tulog pa sila. Nakita ko naman na wala na sa higaan si Yan-yan siguro ay nag luluto na siya. As usual tulog pa rin si Lexy humihilik pa. Tinignan ko naman ang relo ko at alas kwatro na ng umaga. Pumunta ako sa banyo para maghilamos ng mukha, pagkatapos ay pumunta ako sa kusina para mag timpla ng gatas. Nadatnan ko si Yan-yan sa kusina, nagluluto siya ng sinangag. "Good morning Yan." nakangiting saad ko at kumuha ng baso para mag timpla ng gatas. "Good morning din" masaya namang bati niya rin. Pagkatapos kong magtimpla ng gatas ay umupo ako sa upuan ng lamesa. Umupo rin si Yan-yan sa harap ko siguro ay tapos na siyang mag luto. "Gisingin ko lang si Lexy" pagpi-prisinta ko, sabay tayo tumango naman si Yan kaya nag lakad na ko para gisingin ang siguro'y humihilik pang si Lexy. Pagkapasok ko sa kwarto, natawa nalang ako sa itsura ni Lexy HAHHAHAHA ang gulo talaga niya matulog. "Hey, Lexy? Gising na, kakain na magiimbistiga pa tayo." panggigising ko sa kanya sabay tapik pa sa pisngi niya. Buti nalang at nagising kaagad siya. "Mmmm" saad niya sabay unat. "Goodmorning Arah" Nakangiting pagbati niya sakin. "Goodmorning din Lexy" tugon ko. "Maghilamos ka na't mag toothbrush ng makakain na" saad ko. "Aye aye Ms. Brave" saad niya na syang kinatawa ko, daming alam ehh. "Sunod kanalang don Lexy" sabi ko sabay lisan sa kwarto. Ilang saglit lang ay dumating na din si Alexy at sabay sabay kaming kumain. Matapos kumain nagprisinta nakong maghugas ng pinggan habang si Lexy ay nagpupunas ng lamesa. Si Rhian naman naligo na. Katapos maligo ni Rhian, sunod naman akong naligo, mahirap talaga pag isa lang yung banyo. Katapos ko ay si Lexy naman. Nakapagbihis na din si Yan-yan pati ako si Lexy nalang hinihitay namin. Tinignan ko ang relo ko para tingnan kung anong oras na, 5:20 am palang, may oras pa kami para makapag imbistiga. 7:30 pa naman pasok namin. Pagkatapos maligo ni Lexy, nagbihis nadin siya at sabay sabay na kaming umalis. "Teka girls, kailangan pa natin ng sapat na ibidensiya." sabi ko sakanila habang naglalakad. "Oo nga, sana may maaga ding pumapasok, para makapag tanong tayo" sagot naman ni Lexy. "Samahan niyo muna ako sa library, may hahanapin akong libro para sa quiz mamaya." sabi ni Yan-yan. "Sige" sagot ko. "Okay" tamad na sagot ni Lexy, kulang siguro siya sa tulog. --------------- Nasa library na kami ngayon, habang si Yan-yan hinahanap pa yung libro na gusto niya. "Arah, tignan mo yun" biglaang saad ni Lexy sabay turo sa isang babae. "Tara lapitan natin" tugon ko. "Buti may maagang pumasok" masayang sambit ni Lexy "Di na natin kailangan libutin ang buong campus para humanap ng pagtatanungan" Lumapit kami sa babaeng nagbabasa ng libro. "Hi, ako nga pala si Sarah" pagpapa kilala ko sabay lahad ng palad ko. "Ako naman si Loisa Flores" pagpapakilala niya sabay tanggap sa kamay kong nakalahad sakanya. "Ako si Alexy Tan" pagpapakilala naman ni Lexy sabay lahad din ng kanyang kamay. "Loisa" saad ni Loisa sabay tanggap ng kamay kay Lexy. "Take a seat" saad ni Loisa samin. "Thanks" sabay na sabi namin ni Lexy. "Anong maipaglilingkod ko sainyo?" tanong ni Loisa. "Ahmm, magtatanong lang sana kami sayo" panimula ko "Kung maaari?" "Sure, tungkol saan?" Nakangiting saad nya. "Lexy, Arah. Nandyan lang pala kayo, kanina ko pa kayo hinahanap." saad ni Yan-yan na daladala na yung librong gusto nya. Napatingin naman s'ya sa kausap namin kaya nagpakilala na s'ya "Ahmm. Hi I'm Rhian" pagpapakilala ni Yan-yan dala dala ang librong kailangan niya. "Loisa" Katulad ng ginawa namin kanina ay nag kamayan din sila. Pagkatapos nilang magpakilala sa isa't isa umupo na din si Yan-yan sa tabi ko, bale naka gitna ako sa dalawa, si Lexy sa right ko si Yan-yan sa left ko. "Ano na ulit tanong niyo?" tanong samin ni Loisa. "Ah, tatanong sana namin kung kilala mo si Ace Chamos?" Tanong ko. "Yung nahulog sa building noong nakaraan araw?" Tanong rin niya. Tumango naman kaming tatlo bilang tugon sa tanong niya. "Ahh, oo close friend ko siya, napakabait niya pero, naadik siya sa pinagbabawal na gamot. Actually may girlfriend sy----" napatigil siya sa biglang tanong ni Rhian. "Anong pangalan nung girlfriend niya?" "Tiffany Reyes, 3 yrs na silang magkasintahan pero nahihirapan si Tiffany sa boyfriend niya, kasi sinasaktan na siya. Dahil sa pinagbabawal na gamot" malungkot na saad niya. "Maaari ba naming malaman kung anong grade at section ni Tiffany?" tanong ko. "Mukhang kailangan din namin siyang tanungin" "Grade 11-3A" sagot nya. "Sige, pasenya na sa abala Loisa, mauuna na kami" Pag papaalam ni Lexy. Tumango si Loisa at nag sitayuan na kaming tatlo. Nag lakad kami palabas ng library at nag tungo muna ulit sa dorm para pag usapan muna sandali ang gagawin naming pagtatanong kay Tiffany Reyes na girlfriend ni Ace. Tiningnan ko ulit ang relo ko para tingnan kung anong oras na, it's now 6:00 am. Alexy Tan PoV Napag planuhan na namin yung gagawin namin. Wala ako sa mood, ang aga kasing nang gising ni Arah hayyss kulang pa tulog ko. Mag se seven na kaya marami rami na rin ang mga pumapasok, naglalakad kaming tatlo ngayun papalapit sa room nila Tiffany. "Sa tingin niyo nandun na si Tiffany?" Tanong ni Arah. "Siguro, balita ko isa siya sa mga officers ng SSG eh" sagot naman ni Yan. "Nakita ko dun sa papel na pinahawak saakin kanina ni Ma'am Carla" Si Ma'am Carla ay ang subtitute Music Teacher namin naka leave kasi yung teacher namin sa Music eh namamaga daw yung paa niya dahil sa pagkadulas niya nung pumunta sila sa isang party ayon kay Ma'am Carla. Pagdating namin sa room nila ay marami rami na ang mga nasa loob. May dumaan sa tabi namin na nanggaling sa room kaya tinawag ko ito. "Hello, ako nga pala si Alexy eto naman si Rhian at Sarah. Pwede bang mag tanong?" saad ko. "Nagtatanong kana." mataray na saad niya. Ayy putek, kay aga-aga namimilosopo. Kulang na nga ang tulog ko gusto atang makaka tikim nito. Nakita naman ata ni Arah na naiinis ako kaya nag salita siya. "Classmate mo ba si Tiffany?" tanong niya. "What do you think?" Putek talaga, sarap tadyakan ng babaeng to, kala mo naman maganda eh ang kapal naman ng kilay. "Miss pwede bang sumagot ka ng maayos?" Tanong ni Arah na mukhang naiinis na din dito. "Why would I?" pabalik na tanong niya. Talagang makakatikim na tong isang to sakin buset. Napansin naman ni Yan-yan na naiinis na kaming dalawa kaya hinigit niya kami palayo dun sa babae. "Bitiwan moko Yan-yan susugurin ko yon" naiinis na bulong ni Arah. 'Sino ba naman kasing hindi maiinis busit nagtatanong lang naman kami kailangan bang mamilosopo pa? Darn, pasalamat siya nandito si Yan para umawat eh' "Hayaan niyo na yun, mag tanong nalang tayo sa iba" sabi ni Yan-yan sabay hatak papalayo dun sa babae, sakto namang may dumaan na lalaki sa tabi namin kaya lumapit si Yan-yan sakanya. "Hello po. Pwede po bang magtanong? Kilala niyo po ba si Tiffany Reyes?" tanong ni Yan-yan "Ah kilala ko po siya actually classmate ko po siya" sagot niya, mukha namang mabait si kuya. "Alam niyo po ba kung nasaan siya?" tanong ni Yan-yan "Nasa SSG Office siya" sagot niya "Ah okay po, thank you" pasasalamat ni Yan-yan. Nag paalam na kami dun sa lalaki at naglakad papuntang SSG office. Hindi ko pa nakita ang office nila, kanina ko palang kasi alam na meron din silang SSG Office sinabi lang ni Yan at hindi rin kasi namin napuntahan yun kahapon. Habang naglalakad kami ay may naka salubong kaming tatlong lalaki. Nakatingin sila samin ang weird nila. Sinamaan ko sila ng tingin. Tusukin ko mga mata niyo ehh. Rhian Dela Cruz PoV Nang makarating na kami sa tapat ng pinto ay kumatok kaming tatlo. Bumukas naman ito at sinalubong kami ng isang estudyante, siguro ay isa sya sa mga SSG officer. "Anong maipaglilingkod ko?" tanong niya samin. "Nandyan po ba si Tiffany Reyes?" tanong ni Lexy. "Oo, wait tawagin ko lang" saad niya, tumango naman kami. Umupo muna kami sa mga upuan na nasa side ng pinto. Pagkatapos ng ilang minuto ay may lumabas sa office, tinignan ko kung sino yung lumabas. Nakita ko naman na si Tiffany ito, alam ko na yung itsura niya dahil nag search ako kagabi and i have my ways. Tumayo ako at lumapit sakanya, tumayo din sina Arah at Lexy at sumunod sakin. "Kayo po si Tiffany Reyes?" tanong ko "Ako nga, kayo ba ang nag hahanap sakin?" tanong niya, tumango naman kami. Isa isa niya kaming tinignan, natigil yung tingin niya kay Lexy at parang may iniisip. Kilala niya si Lexy? "Sa loob na tayo mag-usap" saad niya at naglakad na papunta sa loob. Sumunod naman kami sakanya. Nakarating kami sa tapat ng isang pinto at pumasok doon. Umupo siya sa isang sofa, umupo din kami sa katapat niyang sofa at may coffee table sa gitna. Inilibot ko ang paningin ko, malaki ang office at merong office table sa side namin at may naka lagay na Sec. Tiffany Reyes. Ito siguro ang office niya. "So, sino kayo at anong kailangan niyo?" panimula niya, pansin kong maganda siya at pero mukhang puyat siya. "Ako nga pala si Rhian eto naman si Alexy at Sarah. Isa kami sa mga nag iimbestiga sa nangyari sa boyfriend mo" saad ko, tumango naman siya. Mabuti nalang at naniniwala sila samin kapag nagpapakilala kaming nag iimbestiga. Hindi na kami nahihirapang mag pa liwanag. "Girlfriend ka ba ni Ace Chamos?" tanong ni Lexy, hindi naman halatang excited siyang mag tanong eh. "Oo" malungkot niyang saad. "Alam naming malungkot ka sa nangyari sa boyfriend mo" saad ko sabay tabi sakanya at tinapik ko balikat niya. "Totoo bang gumagamit siya ng pinagbabawal na gamot?" tanong ni Arah "Oo, kami lang ni Loisa yung nakaka alam na gumagamit siya non. Matagal ko na siyang pinagbabawalan na tumigil pero hindi niya ko panapa kinggan, tinangka ko siyang hiwalayan pero tinatakot niya ko at sinasaktan katulad ko, pinipigilan na din sya ni loisa kaya lang ayaw nya talaga" saad niya at nag simula na siyang umiyak. Kinuha ko ang panyo ko at binigay sakanya, tinanggap naman niya yon. "Salamat" saad niya habang umiiyak. "Bakit hindi ka nag sumbong sa pulis?" tanong ni Lexy. "Gaya nga ng sinabi ko tinatakot niya ko na sasaktan niya ang mga magulang ko pag nag saumbong ako" umiiyak niyang saad. "Sino ang huling kasama niya kahapon?" tanong ko. "Yung apat niyang kaibigan. Taga ibang school yung dalawa naka school uniform, tapos yung dalawa naman dito sila nag-aaral naka black at naka jacket sila. Binisita siya kahapon at nag kwentuhan sila sa rooftop ng building" saad niya. "Wala kabang napansing kahinahinala sakanila?" tanong ko. "Meron, kasi kung kailan umalis sila, siyang pagkamatay ng boyfriend ko" medyo naluluhang sabi niya. "Parang sinasabi mong sila yung pumatay?" naguguluhang tanong ni Arah. "Oo" sagot niya. "Teka, Tiffany. Alam mo ba kung saan sila nag aaral? Or phone number? Kahit ano, para makausap namin sila" saad ni Lexy. "Sa Shine University sila nag aaral" sagot niya na siyang kinabigla ni Arah. "Diba dun ka nag aaral dati Arah?" tanong ni Lexy. "O-Oo" sagot niya na parang naiilang. "Sige mauuna na kami Tiffany baka mahuli pa kami sa klase. Asahan mo na babalik kami at magtatanong ulit" saad ni Arah at nag paalam na kami. Hahakbang palang sana kami ng mag salita si Tiffany. "Ahm Alexy Tan, right?" tanong niya sabay tingin kay Lexy. "Oo, bakit?" tanong ni Lexy. "Pumunta ka sa Disciplinary Office pagkatapos ng klase mo, may nag report kasi samin na sinuntok mo daw siya kaya siya nahimatay" saad niya, nagulat naman ako sa narinig ko. "Pwede po bang magtanong kung sinong nag report sakin?" tanong ni Lexy. "Mich ata ang pangalan" saad ni Tiffany. "Sige po, salamat" saad ni Lexy na parang wala lang sakanya. Nang makalabas kami ng office ay para akong nanay pinagsasabihan si Lexy. "Bakit mo ba kasi ginawa yun? Gusto mo bang ma suspende sa klase? Palagi kasi mainit ang ulo mo yan napapala mo" saad ko. "Bagay lang sakanya yun, diba Arah" saad ni Lexy at nag apir sila ni Arah naku naman nagka sundo pa talaga. "Pumunta na tayong classroom baka ma late pa tayo" saad ko at naglakad na kami papuntang classroom. Ng makarating kami sa room umupo na kami kagad, buti wala pa yung teacher namin kundi lagot kami. Ilang minuto lang yung lumipas dumating na din si Ma'am Leila, isa sa pinakagusto kong teacher, bukod sa maganda na mabait pa. Filipino subject. Habang nag didiscuss si ma'am may kumalabit sakin. Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin. "Rhian right?" tumango lang ako "Ako si Angel Guevara." Nakangiting sabi niya. Tumango lang ako sakanya, bat kaya niyako kinausap, mukha naman sayang mabait pero bukod kina Lexy at Arah kinausap niya ko ng matino. "Siguro nagtataka kung bakit kita kinausap, matagal na kitang gustong maging kaibigan, katulad moko tawag din nila sakin nerd. Kaya wala akong kaibigan palagi nila akong iniiwasan pero nung nakita kita parang feeling ko sobrang gaan ng loob ko sa iyo." saad niya. "Mamaya na tayo magusap katapos ng klase baka mahuli tayo" saad ko, baka kasi mahuli kami ni Ma'am. Tumango nalang sya bilang tugon. Ng matapos ang klase, sinabi ko kila Arah na mauna na sa office susunod nalang ako. "Arah, Lexy una na kayo, susunod nalang ako, may kakausapin lang ako saglit" saad ko habang inaayos ko yung mga gamit ko "Sige, ingat ka" saad ni Lexy at lumabas na sila. Tumango nalang ako sakanila Pagkalabas ko ng room nakita kong nag hihintay si Angel sa may gilid. "Hello" pagtawag ko sakanya "Hello, pasenya ka na sa abala" saad niya "Okay lang" saad ko at ngumiti, ngumiti din siya. Ngayon ko lang napansin na cute pala yung height niya....maliit siya.... singkit din siya. Morena at kulot ang buhok. Kilala niyo si Moana? Parang ganon. Sarah Lopez PoV Naglalakad na kami ngayon ni Lexy papuntang Disciplinary office. Nasa bandang likod yung disciplinary kaya walang masyadong tao. Nakarating na kami at pumasok sa loob. Merong isang office table na may pangalan. Mrs. Angelica Limpio. May dalawang upuan sa harap nung table, meron sa magkabilaan. May naka upo na doon kaya lumapit kaming dalawa ni Lexy. "Good afternoon Ma'am" bati naming dalawa. "Good afternoon din, sino sa inyo si Alexy Tan?" tanong niya. "Ako po" sagot ni Lexy at napanguso. "Pumirma ka dito" sabay lahad nung papel at ballpen. "Tandaan mo kapag na report ka ng tatlong beses suspended ka ng one week. Pag umabot ng lima mag co-community service ka for one week" saad ni Ma'am Angelica. Tumango nalang si Lexy. Pagkatapos niyang mag pirma ay lumabas na kami don. Habang naglalakad kami bigla nalang may humarang sa dinadaanan namin. Lima silang lahat at puro mga lalaki. Pinalibutan nila kami. At hinatak papunta sa lumang bodega sa tabi ng dorm ng mga boys. Magkaiba kasi ang namin sa dorm ng boys. "Anong kailangan niyo?" tanong ko ng makapasok kami sa medyo madilim na bodega dahil kulob ito at ang tanging liwanag lang ay nanggagaling sa pintong pinagpasukan namin. "Pasensya na, napagutusan lang kami" saad nung isa sa kanila. "Anong napag utusan?!" Bigla nalang sumugod yung dalawa sakanila palapit samin ni Lexy. Akmang susuntukin ako nung isa pero inunahan ko ito, sinuntok ko siya sa tagiliran nang makita kong namimilipit ito sa sakit ay sinuntok ko ulit sa mukha. Nang mapa tumba ko ito ay tinignan ko si Lexy kung ayos lang siya. Hindi ko napansin na may papalapit na pala sakin kaya na suntok ako sa mukha, napa atras ako ng konti. Gumanti naman ako at akmang susuntukin ko siya pero naka ilag ito... nakailag man sya sa suntok ko ay di niya naman nailagan ang sipa ko na tumama sa 'ANO' niya. 'Yuckkkk!! Yung paa koooo! Pero okay lang haha' Namalipit siya sa sakit na dinaramdam nya at napahiga sya hawak ang pantalon niya. Dalawa nalang silang kalaban namin. Yung isa ay puno na ng pasa ang mukha (hahaha ano kayang ginawa ni Lexy dito), Yung isa ay namamalipit sa sakit habang hawak ang tiyan, sya yung sinipa ko kanina habang yung isa naman ay itong lalaking sinipa ko sa 'ANO' hahaha alam nyo na yun. Hindi na ko nag sayang ng oras at tinulungan ko na si Alexy na nasa gitna ng dalawang lalaki. Lumapit ako sa likod nung isang lalaki at kumuha ng pwersa para sipain sya sa likod habang si Lexy naman ay sinapak yung isa at sinakal sabay dikit sa pader. Hinila ko yung damit nung lalaking sinipa ko at hinawakan damit nya bandang leeg, pero siniko niya ko kaya nakawala siya, susuntukin niya sana ako pero naka ilag ako, akmang susuntukin ko naman siya pero napagitla ako ng biglang may pumalo ng kahoy likod ko. Yung lalaking namamalipit kanina ang pumalo sa likod ko. Hinatak naman ako nung kaninang hawak ko at dinala sa bandang sulok. Sinubukan kong maglaban ngunit naglabas ng patalim yung isang pumalo sa likod ko at tinapat ito sa leeg ko kaya napatingala ako. "Pasalamat ka at ayaw pa kayong papatay ni Ma'am, kung pwede lang kanina pa kayo naka handusay dito" bulong niya na sapat lang para marinig ko. 'Ma'am? So ibig sabihin babae ang nagpagawa nito sa kanila?' Alexy Tan PoV "Sabihin mo?! Sinong nag utos sa inyo na bubgbugin kami?!" Madiin na tanong ko sa lalaking madiing hinahawakan ko sa kwelyo. "Kung ayaw mong masaktan sabihin mo na!" "A-ack" anggil niya ng mas lalo ko pang diniinan ang pagkaka sakal sa kanya. "K-kahit na p-patayin n-niyo pa ak-ko w-al-a kay-yong m-mari-ri-nig s-sa- akin" Kahit na hirap na siya ay nakuha niya pang tumawa ng mahina na ikinataka ko at kina inis. 'Nababaliw na ba siya? Ano bang nakakatawa?' "Pasalamat ka at may kailangan pa ko sayo, kun'di baka ano ng nangyari sayo" banta ko. "Ito ang tatandaan mo, hindi kita papakawalan hanggat 'di mo sinasabi kung sinong nagpadala sainyo dito" Muli ay tumawa sya ng mahina. 'Weird' "K-kahit n-na ma-masak-tan y-yung ka-kaibigan m-o?" Tanong niya sabay smirk. "A-ahh!" Boses ni Arah ang narinig ko kaya nagpalinga linga ako at doon ko nakita si Arah na dumudugo ang kaliwang braso na gawa siguro nung dalawang lalaking nakapalibot sa kanya. Malakas na impak ng pagtumba ko ng biglang may tumulak saakin. 's**t! s**t! s**t! Nawala sa isipan ko yung lalaking hawak ko sa kwelyo' Sa isang saglit ay nagkapalit kami ng pwesto, siya naman ngayon ang may hawak sa kwelyo ko habang ako ay nakadikit sa pader na kinalalagyan niya kanina, napapikit ako ng bigla syang umamba ng suntok ngunit---- Narinig ko ang malakas na pagpalo at naramdaman kong tumumba ang lalaking nasa harapan ko unti unti kong binuksan ang mata ko at nakita ko si Yan na may dalang kahoy sa likod niya naman nakapwesto ang isang nerd na babae na mas maliit ang height sakanya. Tatanungin ko sana ang pangalan nung nerd kaso ay may naalala ako kaya nagpalingalinga ulit ako at doon ay nakita sa sa may kalayuan sina Arah at yung dalaw. "Yan kailangan nating tulungan si Arah" sabi ko sabay turo, napalingon naman si Yan at sabay kaming dahan dahan na pumunta sa kinalalagyan nina Arah sa medyo madilim na sulok kasama yung nerd na may kulot yung buhok na kasama niya. Malapit na kami ng biglang umubo yung nerd kaya napalingon yung dalawang lalaki saamin pati si Arah. Napasapo ako ng noo. Bakit ngayon pa umubo ang kasama niya?! Hindi na kami nakakilos dahil nakita na nila kami at makipot lang ang daanan sa bahaging ito ng lugar medyo madilim pero may sapat na liwanag parin para makita nila kami. 's**t!!' Biglang hinatak nung isang lalaki si Arah at tinutukan ng kutsilyo sa leeg. "'Wag niyo ng subukang lumapit" malamig na sabi nito pagkatapos nun ay lumapit yung isang lalaki sa kanya at may binulong. May ibinulong naman si Yan dun kay little nerdy tapos ay tahimik na tumakbo siya palabas ng makipot na daanan na ito na mukhang hindi naman napansin nung dalawang lalaki. Biglang hinatak nung isang lalaki si Arah at tinutukan ng kutsilyo sa leeg. Angel Guevara PoV "K-kuya! Kuya! T-tulungan n-nyo p-po yung mga *ehem* kaibigan ko." Hinihingal na sabi ko sa lalaking matangkad, maputi at napakagwapo. 'Anghel ba ito?? Pero hindi ito ang tamang oras!' "Bakit? Anong nangyari?" Sabi niya, Hindi na ako sumagot at hinatak ko nalang siya at buti nalang nagpati-anod nalang siya sa pagkakahila ko. "Saan ba tayo pupunta?" Tanong niya na hindi ko ulit sinagot. Pagkapunta namin sa bodega ay hinila ko ulit sya papunta sa isang madilim na sulok ngunit dito ay makikita mo sila Rhian. "M-miss baka pwede mo ng alisin yung pagkakahawak ng k-kamay mo sa kamay ko?" Sabi niya kaya bigla kong hinatak ang kamay ko at naramdaman ko rin ang pamumula ng mukha ko. "Hindi namin kayo sasaktan kung sasama kayo!" Narinig kong sigaw mula sa kinalalagyan nina Rhian. "Kuya baka pwede mo po silang tulungan?" Sabi ko. Tumayo siya at pumunta sa isang makipot na daanan at may pinasukan siyang pinto doon. Habang ako ay tumingin sa kinatatayuan nila Rhian sakto namang napatingin sya saakin kaya sumenyas muna ako na aalis nako at nginitian niya naman ako sabay tango kaya tumakbo na ako palabas. Sarah Lopez PoV 'Natatakot ako! Natatakot ako na baka mapahamak sina Yan at Lexy. Natatakot ako na baka mapilitan kaming sumama sa mga lalaking ito.' Biglang may sumipa sa isang lalaking nakahawak saakin na kinabigla ko. Nakita ko rin na nagsimula ng kumilos sina Yan at Lexy, linabanan ni Lexy yung lalaking may hawak na patalim kasama niya yung isang lalaking sumipa sa lalaking may hawak saakin kanina habang si Yan ay eto inaalalayan ako. Hindi ko maaninag ang mukha noong lalaking tumutulong saamin. Makikita mo ang galing ni Lexy sa pakikipag laban. "Sabihin mo sa nag utos nito, 'Wag siyang duwag, kung gusto niya kaming makalaban, harapin niya kami." Madiin na sabi ni Alexy bago pakawalan yung lalaki. Ilang sandali pa ay natapos na sila, nakita ko si Lexy na kinakausap ang lalaking tumulong saamin. Hindi ko parin makita yung mukha niya dahil naka talikod siya. "Sarah, halika dito" tawag ni Lexy kaya lumapit kami ni Yan sa kanya. Pagkalapit namin ay nakita ko na ang mukha ng lalaking tumulong saamin. "V-ven?!" Tawag ko sa kanya kaya napatingin siya saakin. "Sadi!" Sabi niya yinakap niya ko ng mahigpit. Narinig ko namang sinabi ni Lexy ang "Teka! mag kakilala kayo?!" Alam ko na naguguluhan sila ngayon sa mga nangyayari. "Aww!" Daing ko ng kumirot ang sugat ko sa braso kaya binitawan ako ni Ven. "Kailangan mong madala sa Clinic para magamutan ka, tsaka ikaw Lexy." Sabi ni Yan. "Huh? Wala naman akong su---" mag rereklamo sana si Lexy pero hindi naman siya pinatapos ni Yan. "Eh anong tawag mo dyan, dyan at dyan?" Tanong ni Yan habang pinag tuturo yung mga sugat ni Lexy na ikinatawa namin ni Ven hahaha para syang nanay kung umasta habang si Lexy naman ay nag pout. "Osige na nga tara na" pag payag ni Lexy at nag lakad na kami patungong clinic. Someone's PoV "Ano?! Hindi ba sinabi ko sa inyo na dalhin niyo dito yung Alexy?!" Sabi ko sakanila habang kausap sa telepono. "Masyado po silang malakas Ma'am eh tsaka---" napairap ako sa hangin at sumigaw. "Hoy! Mga lintik kayo! Babae lang yung mga yon pero dinaig pa kayo! Tapos ano?! Hindi niyo pa nakuha yung pinapakuha ko!? Pinapa sweldo ko kayo pero ganyan? Hindi niyo inaayos mga trabaho niyo mga b*bo!" "Sorry po ma'am may tumulong po kasing lalaki eh" sagot naman nung isa. "Sige. Hanapin niyo yung lalaking yun at gusto ko na alamin niyo ang background niya tapos sabihin niyo saakin, pag nagawa niyo yon doon niyo palang makukuha ang sahod niyo" sabi ko sabay end call. Sarah's PoV (Clinic) Naka higa ako sa bed dito sa Clinic kasama si Ven. Nagamot na din ang mga sugat ko habang si Lexy naman ay nagpapahinga pa lang at ayaw niya pang ipagalaw ang sugat niya mamaya maya nalang daw at masyado pang masakit ngayon, si Yan naman ayun todo bantay kay Lexy, baka daw kasi tumakas. Pamaya-maya lang ay pumayag na si Lexy na gamutin yung mga sugat niya (hanggang ngayon ay nakabantay si Yan sa kanya) lumapit naman ako kay Veni upang yakapin siya, namiss ko tong lalaking to, namiss ko yung yakap at amoy niya. "Namiss kita Ven." Mahinhing saad ko habang nakayap sakanya. "Namiss din kita Sadi." Sabi niya sabay ganti sa yakap ko ng medyo mahigpit. "Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko sabay bitaw sa pagkakayakap sa kanya. "Kase ano n-na miss kasi kita, oo yun, tsaka alam mo ba? nag skip lang ako ng class para makita ka, di kase ako makapag focus sa study ko kakaisip sayo, kung anong lagay mo? Kung may nang bu bully sa iyo dito?" sagot niya sabay nguso "tsaka may iba pang dahilan, masyadong mahaba yon, sa susunod ko nalang siguro sasabihin." dagdag pa nya. 'Ano kaya iyon?' "Oh sige, Okay lang naman ako dito. Eh ikaw ba? Wala bang nangyayaring krimen don? Naaayos mo ba? Naiimbistigahan mo?" Tanong ko sakanya. Bigla namang sumabat ni Yan-yan na akalain mong nandito na rin pala haha. "Teka? Krimen? Imbestiga?" Kyuryosong tanong niya. Tumingin saakin si Ven at halatang gusto nyang itanong saakin kung maaari ba nyang sabihin kay Yan kaya tinanguan ko nalang sya. "Ahmmm, paano ko ba sasabihin to?" Naguguluhang sabi ni Ven "ganito kasi yan isa kasi akong detective.... kaming dalawa ni Sa----" "Ahuh! Sabi na nga ba eh, detective ka rin" sabi nya na mukhang hindi man lang nagulat. "Ka rin? So alam nyo na, na detective si Sadi?" Naguguluhang tanong ni Ven. "Yeah, actually kami rin nung si Lexy ay detective" paliwananag naman ni Yan "sige puntahan ko muna si Lexy dun" pagpapaalam niya sabay alis. Rhian Dela Cruz PoV (7:00) Gabi na ng makauwi kami sa dorm nag paalam din kami sa principal kung pwede namin papasukin yung kaibigan ni Arah sa loob pwede naman daw pero hindi pwedeng matulog at ipapacheck nya daw sa mga officers mamayang 10 pm kung nandito pa sya. Btw hindi pa pala pormal na pinapakilala ni Arah yung kaibigan nya na tinatawag nyang Ven. "Uhmm. Arah?" Tawag ni Lexy kay Arah na nagaayos ng gamit na gagamitin nung kaibigan nya, dahil kaya lumingon ito tapos ay may ibinulong si Lexy sa kanya at nag bulungan na nga sila nyahaha. Tahimik na nag liligpit ng gamit si Ven habang yung dalawa ay nagbubulungan tapos ako naman? Nakaupo lang ako, naka earphone ako nakasaksak yun sa cellphone ko pero wala namang naka play na music tapos ay may hawak akong libro na parang binabasa ko pero ang totoo ay hawak ko lang ito at nag oobserba sa ginagawa nila, kaya ko ginagawa ito kasi tinatamad akong mag salita. 'Oo na ako na ang tamad mag salita Haha, wala lang ako sa mood makipag usap' Pamaya maya lang ay natapos na ang lalaking si Ven sa ginagawa nya tumayo ito at nag stretch stretch, sila Arah naman ay tumigil na sa pag bubulungan ng kung ano. Hindi ko parin sila tinitingnan dahil sa libro ako nakatutuok ang ganda kasi ng font style nang storyang ito hahaha nakikita ko lang ang mga ginagawa nila gamit ang peripheral vision ko. 'Hmm. Siguro dahil sa pakikipag basag ulo nanaman ang pinag uusapan nila' Binaba ko naman ang librong hawak ko at tinanggal ko ang earphones na props ko lang sabay tingin sa oras.. "What?! 8:00 pm na?!" Medyo malakas na sigaw ko habang nakatingin sa relo ko, tinaas ko ang tingin ko at namula ang mukha ko kasi nakatingin silang lahat saakin... na parang... ang weird ko wahhh. "Hmm. Bakit may gagawin ka ba?" Tanong ni Arah. "Ah hehe wala naman nakakapag taka lang kasi nakatingin--- I mean nagbabasa lang ako tapos bigla bigla 8 pm na pala... at Hindi pa pala ako nakakapag luto?" "Sa labas nalang tayo kumain. Naka bukas pa ba ang cafeteria nyan Yan?" Tanong naman ni Lexy na tinanguan ko naman hahah 24/7 ata ang cafeteria dito eh. "Kain muna tayo Ven tapos daanan mo nalang dito yung mga gamit na gagamitin mo" sabi ni Arah ngumiti naman nya kaibigan nya sa kanya Sarah Lopez PoV Dahil walang masyadong tao kaya nakapag order na kami, sa gitna ng kwentuhan namin habang kumakain ay may naisip ako. Halaaa hindi ko pa nga pala pormal na pinapakilala si Ven sa kanila, nawala sa isip ko. "Hmm guys, sorry hindi ko pa pala pormal na naipapakilala si Ven sainyo." Sabi ko sabay tayo "Ven ito nga pala si Alexy Tan," pakilala ko kay Lexy at nag kamayan sila "Ito naman si Rhian Dela Cruz, sila ang mga naging kaibigan ko pag kapasok ko dito sa school na ito." sabi ko at nag kamayan naman sina Yan at Ven "Yan, Lexy, ito naman si Charles Raven Torres ang kababata ko na hanggang ngayon ay best friend ko pa rin" Tapos noon ay umupo na ako. Ang kaninang tahimik na si Ven ay sumasali narin sa kwentuhan namin hahahha. Naikwento naman ni Lexy na napagod daw sya sa pakikipag laban kanina, well pati naman ako eh, pero sino nga kayang nag pautos na gawin yun saamin hmm, mamaya ko nalang iisipin basta ang mahalaga ngayon ay ligtas kaming lahat. Nakauwi kami mga bandang 9:30 pm dinaanan ni Ven ang gamit na gagamitin nya sa dorm at umalis na sya patungong kotse nya.. sinabi nya na dederetso sya rito sa dorm pag kagising niya. Rhian Dela Cruz PoV Tulog na yung dalawa at ako nalang ang gising dahil gusto kong matapos ang librong binabasa ko.. Napatayo ako sa pagkakahiga dito sa sofa ng may kumatok binuksan ko naman ang pinto at nakita ko ang mga SSG officers (wala si Tiffany Reyes). "Ano pong kailangan nyo?" Magalang na tanong ko. "Pinapacheck lang po ni Madam Principal kung nandito pa po yung bisita nyo?" Yay oo nga pala sabi ng Principal papa check nya haha. "Ah wala na po nakaalis na kanina" sagot ko at umalis na sila. Hmmm inaantok na ko. Pumunta ako sa kama at humiga. Goodnight. #
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD