Alexy Tan PoV
Paano naman nila nalaman na nag iimbestiga kami. Magaling kaya yung mga B3 na sinasabi nila? Tsaka bakit B3 yung pangalan ng group nila, tss.
Well si Solomon mukhang suplado tsaka tunog Salmon. Gutom na ata ako eh.
Si Velasco naman mukhang mabait napaka aliwalas ng mukha.
Yung Park singkit yung mata, seryoso at gwap- yakk kadiri ka Alexy aishhh. He's not gwapo okay? Mukha siyang parke.
Sumikat lang ata sila dahil gwapo silang tatlo, baka hindi naman talaga sila marunong mag imbestiga. Wala ehh, inaamin ko judgmental ako, pero minsan lang naman.
Wait, sila yung mga nakasalubong namin dati nung papunta kami sa SSG Office. Sila yung mga nakatingin samin na sinamaan ko ng tingin. Hindi kaya sila din yung mga nag mamanman samin? Bawat may iniimbistigahan kaming kaso nararamdaman kong may mga nakatingin samin, ewan. Dami ko na ngang iniisip dinagdagan ko pa talaga.
Nagku-kwentuhan sila habang ako at tumitingin doon sa mga lalaking yun.
"Sige po, una na kami. Salamat po. Bye." sabi nung si Miya? Sabay takbo.
"Gosh, what was that?" Tanong ko.. tumingin saakin sina Yan at Arah pero nagkibit balikat lang sila.
"Tara na pasok na tayo sa room, malelate na tayo niyan." Anyaya ni Yan tapos ay nag lakad na kami patungong room.
Nakasa lubong pa namin yung mga B3 daw pero diretso lang yung tingin ko sa daan. Nakarating na kami sa classroom at nakatingin silang lahat samin. Umupo nalang kami sa mga pwesto namin. Nakita ko pa si Little A (Angel Guevara) na kausap si Rhian. Tinatawag ko siyang little A kasi ang liit niya at ang cute niya para siyang little Angel.
Ilang sandali lang dumating na yung teacher, tumingin siya isa isa saming tatlo ni Yan-yan at Arah at tinawag kami.
"Alexy Tan, Rhian Yu Dela Cruz and Sarah Lee Lopez. Good job and thank you for giving the justice to my son." saad niya.
Wait what? Son? Ibigsabihin anak niya si Ace Chamos ohh Mrs. Ryzza Chamos. Yahh pareho sila ng apilido bakit diko napansin yun? I think I'm getting dumber and dumber.
"You're welcome Ma'am." saad naming tatlo at pumalakpak naman ang mga classmate namin. Umupo na kami at nag simula ng mag turo si Mrs. Chamos
Rhian Dela Cruz PoV
Pagka uwi namin ay nag palit na'ko ng damit at umupo sa sofa. Naka upo din sina Arah at Lexy. Pwede ko na siguro itanong yung matagal ng gumugulo sa isip ko.
Bakit ayaw niyang tawagin namin siyang Alex? Madami pa kaming hindi alam sakanya ayaw pa niyang mag open samin. Sana ngayon sagutin niya ang tanong ko.
Umupo ako sa tabi Lexy, bali napapa gitnaan namin siya ni Arah.
"Lexy matagal ko nang gustong itanong sayo 'to sana sagutin mo 'ko" panimula ko at napalingon silang dalawa sakin.
"Sure, ano yon?" tanong niya.
"Bakit ayaw mong may tumatawag sayo ng Alex?" tanong ko.
"Hmm, kasi panglalaki yun?" Alanganing sagot niya. Pinaningkitan ko siya ng mata pero agad siyang nag iwas. She's obvious.
Ba't ba kasi ayaw niya sabihin yung totoo. Eh ba't ba kasi napaka chismosa ko na ngayon?
"Ehhh?" Takang tanong ko kasi nagsi sinungaling lang siya.
"Hmm. Sabi ko nga hindi ka maniniwala hehe." Sabi niya sabay kamot sa batok niya.
"Ikwento mo na Lexy." Sabat naman ni Arah na nakikinig rin pala.
"Ganito kasi yan" ako na ang nagsabi non para simulan niya.
Alexy Tan PoV
(Flashback)
"Alex? Let's go, hahatid ka na namin sa bahay niyo." Anyaya ni Eithan saakin, ang sweet talaga at caring ng boyfriend ko. I can already imagine my life with him together with our future kids.
He's calling me Alex because i don't want him to call me Babe, Baby, Love or whatever they're so common kasi. I told him to call me Lexy or Alexy but he don't want to, beacause he wanted na siya lang ang tatawag saakin ng pangalan na gusto niyang itawag saakin, then he told me that he want to call me Alex even tho' it sounds like a boy name hinayaan ko nalang siya at sinangayunan.
Kaya eto hanggang ngayon ay Alex ang tawag niya saakin at komportable na ako kasi sanay na 'ko, biruin mo nga naman kasi 1 year na kaming magkasintahan, kahit naman ang babata pa namin okay lang kasi legal naman kami both side.
"Okay Tan, let's go." masayang sabi ko, gabi na at uwian na namin galing sa school, inakbayan niya ako at sabay kaming nagtungo sa kotse nila, sa backseat kaming dalawa ni Tan habang sa driver's seat naman si Manong Jerry (family driver nila) hindi pa kasi pwedeng mag drive si Eithan kasi kahit na nasa legal age na siya ay hindi pa siya rehistrado dahil ayaw ni tita Rina (mommy niya) na mag drive siya kasi baka daw maaksidente siya, mama's boy kasi si Tan-tan ko.
Kilala ko na din naman si manong kasi lagi nila akong hinahatid sa bahay, wala kasing susundo saakin kasi ayaw ni Mom na mag hire ng driver tsaka busy silang masyado sa trabaho nila, mula bata ay mga katulong lang lagi ang mga kasama ko sa bahay pero kahit ganon ay hindi ako nag tanim ng galit sa mga magulang ko kaya kahit papaano naman ay close kami, ipinagkatiwala ako ni Mom kay Tan kasi alam niya namang mabait ang boyfriend ko.
Nang makarating sa bahay ay hinalikan ako ng Tan sa noo at pinag buksan pa ako ng pinto.
"I love you, kapag ka kain mo magtext ka saakin ah? Tapos noon ay matulog ka na, okay?"
"Opo Tan tan ko, i love you too, pag ka dating mo sa bahay niyo text ka saakin." Sabi ko naman "Ingat kayo Tan, ingat po manong Jerry"
"Sige iha, salamat" ani lang ni Manong Jerry tsaka ngumiti.
Pag katapos noon ay hinintay muna nila akong makapasok bago sila umalis.
Kumain ako, as usual mag isa nanaman akong kumain. Pagka tapos ay naligo ako tapos pumunta naako sa kama at kinuha ang cellphone ko.. may text galing kay Tan.
From: Tan❤
Alex nakauwi na ko
To: Tan❤
Okay, kakatapos ko lang kumain, ikaw ba kumain ka na?
✔️Sent
From: Tan❤
Kumakain palang Alex, tulog ka na dadaanan nalang kita bukas.. goodnight i love you.
To: Tan❤
Sige Tan eatwell, tulog ka na rin pagkatapos mong kumain, Goodnight i love you too.
✔️Sent
Pagkatapos noon ay natulog na ako dahil maaga pa akong gigising bukas.
Kinabukasan parang di maganda yung pakiramdam ko. Parang may di magandang mangyayare ngayon.
Pagkagising ko kagad nakong naligo at kumain. Susunduin kase ako ngayon ni Tan. At sabay kaming papasok. Actually lagi naman kaming sabay.
Ng matapos na'ko. Sakto namang dating ni Tan tan. Kaya umalis na kami
"Maayos ba tulog mo Alex?" tanong sakin ni Tantan.
"Di masyado, masama pakiramdam ko e" saad ko.
"Kumain kana ba?" tanong niya.
"Oo" maikling sagot ko.
"Mahal na mahal kita Alex, di kita ipagpapalit sa iba" sabi niya na nakatitig sa mga mata ko.
"Mahal na mahal din kita Tan" sagot ko.
Ng makarating kami sa school, sabay kaming naglalakad ni Tantan at magkahawak kamay. Napansin ko namang tahimik sya kaya kinausap ko siya.
"Tan, are you okay?" nagaalalang tanong ko.
"Yah, may iniisip lang ako" saad niya.
Ng makarating kami sa room ko ay hinalikan niya nako sa pisngi at iniwan.
Magkaiba kasi kami ng section. At sinabi niya na ding susunduin niya ako katapos ng klase.
Pero ng matapos ang klase namin wala parin siya, naghintay pa'ko ng ilang oras pero wala parin siya. Kaya napagpasyahan ko nalang na hanapin sya. Dipa siguro yon nakakauwi.
Nagpunta ako sa harap pero wala siya, nagpunta rin ako sa stage pero wala parin sya. Ng mapunta ako sa may likod kakahanap sakanya, may na aninag akong isang lalaki, na nakatalikod sakin. Pero parang pamilyar siya. Kumunot ang noo ko.
Nilapitan ko to at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Bigla nalang tumulo ang mga luha ko habang malakas ang kabog ng dibdib ko.
May kahalikan siyang isang babae, at kulang nalang mahubaran na yung babae sa sobrang paghalik niya.
"Bakit Tan?! Bakit mo 'to nagawa saken?!" pasigaw ko na sabi sakanya. Na syang ikinagulat niya at inayos ang sarili.
"A-Alex, let me explain" pagmama kaawa niya.
Explain? Huh! Ang kapal ng mukha!
"Who's that girl babe?" tanong nung girl na man lalong ikinapatak ng luha ko. Babe? Wth!
"Babe!? What the hell Tan! Kakasabi mo lang sakin kanina na hindi mo'ko ipagpapalit! Tapos ngayon makikita ko nalang na may kahalikan ka! At konti nalang makakagawa na kayo ng—-" diko na natuloy yung sasabihin ko dahil bigla nalang akong napaupo.
Bakit Tan? Bakit mo'to nagawa saken? Bakit. Mahal na mahal kita pero sinaktan mo lang ako.
Nanghihina akong naka upo sa lupa habang umiiyak.
"Alex, I'm really really sorry." sabi niya at sinubukan akong itayo pero pinigilan ko siya.
"Diyan ka lang, wag kang lalapit sakin" saad ko sabay tayo. Pinunasan ko ang luha ko at kinagat ang pang ibabang labi.
"A-Alex please." Nanginginig na boses na tawag niya.
"Magsama kayo niyang babae mo!" sabi ko sabay sampal sakanya. At tumalikod. Maglalakad na sana ako pero may nakalimutan akong gawin.
Bumalik ako at pumunta sa babae niya at binigyan siya ng isang malutong na sampal.
"Napaka landi mo. Ayan magpakasaya kayo!" saad ko sabay takbo papalayo.
Narinig ko pang tinawag ako ni Tantan, pero di nako lumingon.
Napakasakit ng ginawa mo Tan. Ikaw palang yung unang taong minahal ko. Tapos ganito mangyayari? Sa sobrang tagal na natin ngayon kapa nagloko.
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa makalabas ako ng school. May nakita akong cab, pinara ko na ito at sumakay na.
"Manong s-a s-star village po" sabi ko sa driver na nauutal.
Habang nasa cab ako diko mapigilang umiyak.
Ng makarating ako sa bahay ko, kagad akong pumasok at pumuntang kwarto at nilabas ko lahat ng sakit na nararamdaman ko sa pamamagitan ng pag iyak.
Ang sakit. Pinagkatiwalaan kita Tan, pero binigo moko. Napaka walang hiya mo.
Nag vibrate ang cellphone ko at pangalan niya ang lumabas. Sinagot ko naman yon.
"I'm m sor---" di niya na natapos yung sinasabi niya dahil inunahan ko na sya.
"Break na tayo Eithan, magpakasaya ka. Wag mo nadin sana akong guluhin" saad ko sabay patay sa tawag.
Binuksan ko ang cellphone ko sabay sira ng sim. Ayoko ng ma alala kapa hayop ka.
Sobrang sakit ng ginawa mo saken.
(End of flashback)
"At simula non, nag aral nako ng martial arts. Kinailangan kong maging matapang, kasi mag isa lang ako" saad ko sabay punas ng luha.
Hindi ko namalayan na umiyak na pala ko. Kinuhanan naman ako ng tubig ni Arah. At nung pagkabigay nya ininom ko yon.
"Thanks Arah, ngayon alam niyo na siguro kung bakit ayaw kong tinatawag na Alex, dahil sa hayop na yon" saad ko sakanila.
"Sorry Lexy, tinanong pa namin, nasaktan ka ulit tuloy" nakayukong sabi ni Yanyan.
"Oo nga Lexy, sorry" saad naman ni Arah.
"Ayos lang, atleast di na kayo nagtataka kung bakit ayaw kong tinatawag na Alex" sabi ko sabay ngiti sakanila.
Rhian Dela Cruz PoV
Ngayon alam na namin ni Arah kung bakit ayaw ni Lexy na tinatawag na Alex. Naaalala nya daw kasi yon at bumabalik yung sakit.
Napagpasyahan na naming matulog pagkatapos naming mag kwentuhan. Alam kong nasasaktan ngayon si Lexy pero hinayaan nalang namin siya. Aishh, ba't kasi tinanong ko pa. Nagkaboyfriend pala sya. Maganda naman kasi si Lexy at mabait kaya imposible ngang walang magkagusto sakanya.
Ilang saglit pa ay nakatulog na kami.
Kinabukasan maaga akong nagising, at sinilip yung dalawa na mahimbing pang natutulog, tskk.
Naligo nako at pagkatapos kong makaligo ay nagluto nako. Nagluto ako ngayon ng bacon, egg and hotdog.
Pagkatapos kong magluto. Pumunta ulit ako sa kwarto at ginising yung dalawa. Una kong ginising si Arah, dahil saglit lang naman syang gisingin pwera kay Lexy, hayys.
"Arah? Gising na, maligo kana para makakain na" saad ko.
"Sige" sabi niya sabay unat.
Tumayo na si Arah at pumuntang banyo para makaligo. Sunod ko namang ginising si Lexy. Naalala ko na naman yung kagabi. Ang sakit nun.
"Lexy? Gising na" saad ko sabay mahinang yugyog sakanya. Pustahan uutang pato ng 5 minutes.
"5 minutes pa" sabi niya sabay takip ng kumot, sabi na ehh babanat pa to ng 5 minutes tss.
"Babangon ka dyan o bubuhusan kita ng tubig?" pananakot ko sakanya.
"Eto na nga e, babangon na po" sabi nya na siyang ikinatawa ko. Tss babangon din pala naghihingi pa ng 5 minutes, gusto pang takutin e.
"Maligo kana, nang makakain na tayo" saad ko at tumango naman sya
Pagkalabas ko ng kwarto, sakto namang paglabas ni Arah sa cr. Kagad namang pumasok sa cr si Lexy para maligo.
Ilang minuto lang ay lumabas na siya ng cr at sabay sabay kaming kumain.
#